^

PSN Showbiz

Titser na may depresyon ibinangon ng mga estudyante

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tunghayan ang kuwento ngayong Sabado ng isang matalinong guro sa Binangonan, Rizal na si Ms. Luzviminda Goto na dumaan sa iba’t ibang klase ng pagsubok.

Itinatampok sa episode na pinamagatang Ang Puso ng Isang Guro: The Luzviminda Goto-Ojeda Story sina LJ Reyes bilang young Luz at Melissa Mendez bilang older Luz. Makakasama rin sina Ryan Eigenmann, Dominic Roco, Vaness Del Moral, Renz Valerio, Jacob Briz, Bryan Benedict, Dexter Doria, at Roli Inocencio.

Paborito siya ng halos lahat ng mga estu­dyante, dahil hindi conventional ang pagtuturo nito na may humor at nagpapatawa. History at Economics ang kan­yang itinuturo at kabisado niya ang lahat ng panga­lan ng mga estudyante. Nakapustura at ma­­­sa­sabing pambato and role model teacher si Luz sa kanyang paaralan. Walang magsasabi na hindi siya magaling na guro at kilala siya sa kanilang ba­yan sa kanyang kahusayan.

Breadwinner si Luz sa magkakapatid dahil siya lang ang nakatapos. Ngunit nang siya ay umibig at ikakasal na lang bigla namang pumanaw ang lalaki niyang mahal. Sa pangalawang pagkakataon ay nag­mahal siyang muli at nang maglaon ay nagpaka­sal at nagkaroon din siya ng dalawang supling. Su­balit pagkatapos ng tatlong taon ng pagsasama ay ina­take naman sa puso ang kanyang asawa. Dito na nagsimula ang kanyang depression. Hanggang sa nagkaroon siya ng sakit at tuluyan na siyang nag-resign bilang guro.

Dahil walang trabaho ay nagkahirap-hirap na siya sa buhay. Pasanin niya ang kanyang ina na may sakit, dalawang anak, dalawang step-son, at mga pamangkin. Nasangla na rin ang kanyang bahay dahil sa mga utang. Sa tulong ng kanyang mga dating estudyante na si Mary Rose para bigyan ng me­dical at financial assistance. Sa ngayon ay natutulungan na siya ng mga anak dahil may trabaho na rin ang mga ito. 

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with