^

PSN Showbiz

Kim tanggap na walang ka-love team!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa November 1 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang The Ghost Bride na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Hango ang kuwento ng nasabing proyekto sa umano’y kaugalian ng mga Chinese kung saan nagdaraos ng kasal sa pagitan ng isang buhay at patay na maaari ding sa kapwa patay.

Kadalasang may katambal sa teleserye at pelikula si Kim at ngayon lamang daw niya naranasan na siya mismo ang bida sa isang malaking proyekto. “For me, to be given this big opportunity, sobrang hard work, everything, through the years, para pagkatiwalaan ka ng ganito kalaking pelikula, nakaka-touch. Hindi ko in-expect talaga. Naramdaman kong importante ka sa industriyang ito para bigyan ka ng ganito kalaking movie,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakatrabaho ng aktres si Chito Roño. Matatandaang nakatrabaho ni Kim ang batikang direktor noong 2012 sa pelikulang The Healing at noong 2015 sa Etiquette for Mistresses.

Wala raw problema kay Kim kung wala man siyang katambal sa kanyang mga susunod pang proyekto katulad ng kanyang nakasanayan. “It’s part of growing up sa showbiz na mayroon kang ka-love team, mayroon kang iba’t ibang nakakatrabaho. Pero given this kind of opportunity, hindi ko ma-explain ‘yung sarili ko talaga,” paliwanag ni Kim.

Milyun-milyon ang pinakawalan, Alessandra ayaw mag-promote ng bisyo at kaelyahan!

Nagkaroon ng mga sunud-sunod na project offers sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez pagkatapos kumita nang malaki ang pelikula nilang Kita Kita kamakailan.

Ayon kay Alessandra ay marami na rin siyang tinanggihan kahit pa malaki ang ibabayad dapat sa kanya. “Honestly, masyado akong maraming tinanggihan. Si Empoy, tanggap nang tanggap and I love him for that. Like for example, isang brand ng liquor, may offer na 2M. Ayokong mag-endorse ng alcohol. Kumuha na lang sila ng ibang babae na makakasama ni Empoy. Tapos ipinag-pray ko talaga na, ‘Lord, ituloy n’yo kahit wala ako. Kasi ayoko na mawalan si Empoy ng project dahil maarte ako.’ Hindi ako mag-i-endorse ng bisyo. Bakit ako mag-i-endorse niyan?” kuwento ni Alessandra.

“May tinanggihan din kami ni Empoy, kinuha kaming endorser ng motel/hotel ha-ha-ha! ‘Seryoso ba kayo?’ Kissing scene nga ayoko tapos ilalagay n’yo ako diyan?” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa pag-arte at pagsusulat ng script ay gusto ring maranasan ng dalaga na mag-direk ng isang pelikula. “’Yung movie kaya ko pero ‘yung series ‘di ko na kaya. So tinawagan ko si Zig Dulay, sabi ko mag-co-direct tayo. Lahat ng eksenang nando’n ako, siya magdidirek. Lahat ng eksenang wala ako, ako ang magdidirek. Basta hindi ako ang magdidirek ng sarili ko. Ayoko talaga, kailangan kong mag-concentrate sa shots ko,” pahayag ni Alessandra.

“Actually may isinusulat ako for Piolo (Pascual), kaming dalawa ‘yung bida, sana tanggapin niya. Kapalit ko sa Kita Kita ha-ha-ha! Hindi ako sure kung feel niya, tingnan natin. Tapos si Joyce Bernal ang gusto kong mag-direk,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with