^

PSN Showbiz

Young actress at ina sising alipin sa pang-iisnab noon sa actor na super sikat na ngayon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kuwento ng nakaraan ang nabubungkal kapag sumisikat na ang isang artista. Ang kanyang mga pinagdaanan, ang mga taong hindi tumanggap sa kanya nu’ng baguhan pa lang siya, ang dami-dami!

Tulad na lang ng isang male personality na sikat na sikat na ngayon at pinagkakaguluhan kahit saan. Nagsimula siyang mag-artista na ang hawak na puhunan ay ang kanyang kaguwapuhan.

Nagkaroon din naman siya ng mga proyekto, pero pangsahog lang siya, hindi siya bumibida. Hanggang sa dumating ang napakagandang oportunidad, sumikat siya nang todo, ngayon ay itinuturing na siyang posteng artista ng kanyang pinagsisilbihang network.

May naalala ang isang source tungkol sa nakaraan ng sikat nang aktor, tungkol ‘yun sa isang female personality na ipinapareha nu’n sa kanya, pero halatadong ayaw sa lalaking personalidad ng young actress at ng mommy nito.

“Naku, magtigil nga ang mag-inang ‘yan! Nakikipag-close sila ngayon kay ____(pangalan ng sikat at guwapong male personality), samantalang dati, e, ni hindi nga nila pinapansin ‘yung tao!

“Ang gusto kasi ng mommy ng girl, e, sikat na artista ang ipareha sa anak niya, ayaw nila sa mga the who pa, ganu’n sila katindi nu’n! Hindi nila gusto ang super-sikat nang male personality ngayon.

“E, hindi naman nila hawak ang kinabukasan, ‘di ba? Ang lalaking no pansin nu’n sa kanila, e, pinagkakaguluhan na ngayon! Laking panghihinayang siguro ngayon ng mag-inang ‘yun!” kuwento ng aming impormante.

Gumagawa ngayon ng paraan ang mag-ina para maka-close nila ang sikat na young actor. Ang lalaking ayaw nilang pansinin nu’ng baguhan pa lang ay nireregaluhan pa nila ngayon para lang maging malapit sa kanila.

“Naku, Aling Pacing! Matagal nang bulok ang saging! Puwede ba, ang drama nila ngayon, e, bulok! Halatang-halata sila! Tantanan na nga nilang mag-ina ang mga kaechosan nila!

“Nagulantang siguro sila dahil ‘yung male personality na ipinapareha nu’n sa girl, e, super-sikat na ngayon. Puwede na nilang gamitin, pero sorry, late na ang pakikipag-close nila!

“Ayaw ng mga fans ng male personality at ng ka-loveteam niyang sikat din dahil para lang sila sa isa’t isa! Walang hahalo, walang eeksena, walang puwedeng magpapansin!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pekeng personalidad, hindi na pinaniniwalaan sa mga drama!

Totoong-totoo na kung sino ang ibinabagsak ay ‘yun ang itinataas. At ang hambog at ma­angas, ang mayabang at mapanira, ay ‘yun ang ibinabaon sa limot ng tadhana.

Kahit ano pang drama ang gawin ngayon ng isang retokadong personalidad ay wala nang maniniwala pa sa kanya. Kahit pa gumamit siya ng emotional blackmail na gusto na niyang magpakamatay ay deadma na lang sa kanya ang buong bayan.

Ganyan ang napapala ng mga personalidad na wala pang napatutunayan ay wala nang magkakasyang sumbrero sa ulo dahil sa sobrang kayabangan. Ganyan talaga ang magiging kapalaran sa showbiz ng mga taong nag-aambisyong sumikat nang walang kahirap-hirap kaya ginagamit na armas ang paninira at panggagamit ng mga artistang nananahimik.

Kababaeng tao ni Kathryn Bernardo, pero ni katiting na pagrespeto sa kababaihan ay wala ang retokadong bagito, du’n pa lang ay makikita na natin ang uri ng kanyang pagkatao.

At puwede ba, tantanan na ang pagsasabi na ang nagsasalita sa video ay ang dating siya, ibang tao na raw siya ngayon dahil nagparetoke na siya ng itsura.

Dati man o retokado na ang kanyang mukha ay siya pa rin ‘yun, siya pa rin ang nambastos kay Kathryn, hindi ibang tao. Bali na nga ang pakpak, buking na, humihirit pa ang mokong na ito?

Sarado na ang pintuan ng lokal na aliwan para sa bagitong retokado. Kapag inuna talaga ng kahit sino ang kahambugan ay ganito ang kauuwian. Hindi pa man sumisikat ay laos na.

Retokado na nga ang hitsura, peke na nga ang mga bahagi ng mukha, peke pa rin ang ugali? Kahit sa mga produkto ay huwag bibili ng fake, go for the original, dahil ang fake ay fake!

Period.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with