^

PSN Showbiz

Winwyn apat na maleta ang bitbit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagbabu si Winwyn Marquez sa Pilipinas noong Huwebes dahil lumipad na siya sa New York at mula rito, pupunta na ang reigning Reina Hispanoamericana Filipinas sa Panama para sa connecting flight niya sa Santa Cruz, Bolivia.

Kasama ni Winwyn sa biyahe ang kanyang kapatid na si Yeoj at ang kanilang Tita Aileen.

Naghatid kay Winwyn sa Centennial Terminal 2 ng Philippine Airlines ang kanyang boyfriend na si Mark Herras na hindi makakasunod sa Bolivia para hindi na siya maging intindihin ng girlfriend niya.

Sobrang proud si Mark kay Winwyn at ipinagda­rasal niya ang success ng girlfriend sa beauty pageant na sasalihan nito sa Bolivia.

Sinabi ni Mark na mami-miss niya nang todo ang kanyang dyowa na halos dalawang linggo na mawawala sa Pilipinas.

Malayo man sila sa isa’t isa, tiyak na regular ang pag-uusap nina Mark at Winwyn kahit na nga sinabi ni Mark ayaw niyang mag-expect na magiging regular ang communication nila.

Naka-schedule sa November 4 ang coronation night ng Reina Hispanoamericana. May plano ang Miss World Philippines organizer na magkaroon ng live telecast sa GMA 7 ang nasabing beauty contest pero walang katiyakan kung mangyayari ito.

Si Winwyn ang kauna-unahan na Asian na sasali sa Reina Hispanoamericana kaya nakatutok ang mga Pinoy sa beauty pageant na bago sa pandinig nila.

Sa true lang, nakatulong si Winwyn sa Reina Hispanoamericana dahil kung hindi artista ang nanalo, dedma lang ang mga kababayan natin sa nabanggit na beauty pageant. Hindi nila pag-aaksayahan ng panahon ang Reina Hispanoamericana kung ordinaryo o hindi celebrity ang official delegate ng Pilipinas.

Apat na maleta ang bitbit ni Winwyn sa Bolivia. May pangalan ni Winwyn ang mga maleta para in case na maligaw ito, mabilis na maibabalik sa kanya.

Nagbaon din si Winwyn ng tatlong gown na isusuot niya sa pre-pageant at sa coronation night na gawa ng magagaling na designer.

Heart bagay na bagay sa brand na paborito ng mga first lady at Hollywood star

Congrats kay Heart Evangelista dahil siya ang napili na ambassador sa Pilipinas ng Carolina Herrera.

Sikat na international fashion designer si Carolina na isang Venezuelan at nagbukas noong nakaraang buwan sa Greenbelt, Makati City ang kauna-unahang boutique niya sa Pilipinas.

Si Carolina ang favorite designer ng mga first lady at mga sikat na Hollywood star.

Perfect na ambassador ng Carolina Herrera si Heart dahil isa ito sa mga best-dressed Filipina actress.

Sosyal at bongga ang mga damit ni Carolina Herrera pero malay natin, baka mapanood natin si Heart na suot ang mga creation ni Carolina sa mga eksena niya sa My Korean Jagiya, ang kanyang primetime teleserye sa GMA 7.

Youngest son ni Melanie potential model

Potential model si Abraham Lawyer, ang youngest son ni Melanie Marquez at ng kanyang American husband na si Adam Lawyer.

Parehong matangkad sina Melanie at Adam kaya minana ni Abe ang height nila.

Half-sister ni Abe si Michelle Dee, ang anak ni Melanie kay Derek Dee. Sikat na fashion model si Michelle na malaki ang chance na sumali sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon. Dream kasi ni Michelle na maging kinatawan ng bansa natin sa Miss Universe.

Former beauty queen at super model si Melanie kaya hindi nakapagtataka na nagmana sa kanya ang mga anak niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with