^

PSN Showbiz

Jason, klosetang bakla ang unang role sa Siyete!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May dalang kilig  sina Ivan Dorschner, Migo Adecer, at ng bagong Kapuso na si Jason Abalos  sa upcoming primetime series na The One That Got Away ng GMA 7.

Importante ang role na gagampanan ng tatlo na may konek sa buhay nina Zoe (Rhian Ramos), Darcy (Max Collins) at Alex (Lovi Poe).

Asahan na mas sexy at daring sina Ivan, Migo at Jason sa TOTGA.

Gaganap si Ivan bilang si Inigo, isang mayaman na may business degree pero mas gustong mag-travel kesa magtrabaho sa kumpanya ni Liam (Dennis Trillo). Playboy si Inigo at magaling magpaikot ng mga babae.

Half brother naman ang gagampanan ni Migo bilang Sam. Siya ang inatasang mag-manage ng coffee shop na pag-aari ng kanyang pamilya.

Gagampanan naman ni Jason ang papel ni Gael na kuya ni Alex. Single dad siya sa kanyang 4-year old son. Chick-magnet si Jason pero ‘di alam ng nakararami na isa siyang closet gay.

Abangan sina Jason, Ivan at Migo sa The One That Got Away na ididirehe ni Maryo J. Delos Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with