^

PSN Showbiz

Jeepney TV may regalo sa ika-5 taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagdiriwang ng Jeepney TV, ang tahanan ng mga hindi makakalimutang ABS-CBN shows, ang ika-5 anibersaryo nito tampok ang ilan sa kaabang-abang na mga palabas ngayong buwan sa patuloy na pagbabalik ng cable channel ng mga paboritong eksena at karakter sa telebisyon para sa kasiyahan ng mga manonood.

Para sa buwan ng anibersaryo nito, mapapanood sa Jeepney TV ang Two Wives na pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad; ang classic sitcom na Home Along Da Riles na pinangungunahan ng King of Comedy na si Dolphy; at ang nakakatuwang fantaserye na Kokey. Isa pang dapat aba­ngan dito ang cable premiere ng Korean medical drama na Doctor Stranger na pinagbibidahan naman ni Lee-Jong Suk.

Simula nang ilunsad noong 2012, naging iconic television ng mga Pinoy ang Jeepney TV sa pagbabalik nito ng mga palabas, linya, at eksena na dati nang tumatak sa mga puso ng Pilipino. Kabilang dito ang comedy classics tulad ng Palibhasa Lalake at Goin’ Bulilit; ang mga matagumpay na teleserye na Pangako Sa’yo at Be Careful With My Heart; at ang mga TV specials tulad ng Ryan Ryan Musikahan at ASAP Remix.

Bukod dito, mayroong ding mga programa na sarili nitong iprinodyus – ang B.T.S., Biyaheng Retro: Reunion sa Nakaraan, at JTV Star Showcase – na nagtatampok ng ilan sa mga artista bago at pagkatapos nilang sumikat at ang ilan sa kanilang proyekto na masarap balik-balikan.

Huwag palampasin ang paglulunsad ng bagong station ID ng Jeepney TV ngayong Linggo (Oct. 22) sa ASAP at sa Lunes (Oct. 23) sa It’s Showtime.

Abangan ang kakaibang kwento ng pagtataksil sa Two Wives, Lunes hanggang Biyernes, 1:30pm; ang Kokey, Lunes hanggang Biyernes, 9am simula Lunes (Oct. 23); romantic drama na Doctor Stranger tuwing Sabado, 6:30pm simula Oct. 21; at ang Home Along Da Riles tuwing Linggo, 6pm. Mapapanood ang Jeepney TV sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with