^

PSN Showbiz

Donny Pangilinan at Claudia Barretto naunsyami!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula pa lamang silang i-link, pero naunsyami na agad ang pagpapareha na binabalak sana para kina Donny Pangilinan, anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan at Claudia Barretto, nakakabatang kapatid ni Julia Barretto.

Bagay sana ang dalawa na sa pagkanta nakatuon ang pansin at hindi muna sa pag-aartista. May nagawa nang album si Claudia samantalang si Donny ay unti-unti nang nakikilala sa pagiging VJ ng MYX. Pareho silang artists ng Universal Records.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng da­lawa noong mga bata pa sila. Dahil magkapitbahay, lumaki silang very close sa isa’t isa kung kaya inisip ng marami na baka sa isang mas malalim na relasyon mauwi ang friendship nila, pero hindi ito nangyari.

Kahit sa panahon ngayon na may karelasyon na si Claudia mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila, pero talagang hanggang dun lang daw sila.

Sa kabila ng disappointment ng kanilang followers na kahit paano ay masaya na rin dahil single pa rin hanggang ngayon ang pinaka-latest showbiz heartthrob. Ikatutuwa ng lahat na malaman na no girlfriend since birth si Anthony at ni balak ligawan na babae ay wala pa siyang nami-meet.

Ken may regalo kay Kuya Germs

Bukod sa magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez, isa rin sa mga alaga ni Kuya Germs na luma­lasap ng tagumpay ngayon pero hindi na nito inabutan ay si Ken Chan. Nauna na itong nabigyan ng malaking break sa TV sa Destiny Rose. Nahuli nga lamang ang movie nila ni Barbie Forteza na offshoot ng pagtatambal nila sa TV series na Meant To Be.

Kahit wala na ang mentor ni Ken ay inihahandog pa rin nito sa itinuturing niyang tatay bilang birthday gift ang This Time I’ll Be Sweeter.

Toni hinusgahan agad-agad

Napaka-judgmental naman natin. Nakita lang na­ting sinusuotan o tinatanggalan ng sapatos si Toni Gonzaga ng kanyang kasambahay ay kung anu-ano nang masasakit na salita ang ikinakapit sa kanya. Eh, ako nga hindi artista at isa lang ordinaryong tao ay nagpapalagay at nagpapatanggal din ng sapatos sa aking maid of honor hindi dahil matapobre ako at minamaliit ko ang katayuan niya kung hindi dahil hindi ko kayang ilagay at itali ang shoes ko lalo’t sling back.

Huwag naman kayong masyadong mapanghusga. Wala sa estado ng buhay ang pag­lalagay ng sapatos, nasa pangangailangan ‘yan. 

Elmo at Yves may tapatan

Masusubok ang galing sa pag-arte ni Elmo Magalona at mapapalaban sa aktingan kay Yves Flores. Sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bukas, huhusgahan kung sino sa kanilang dalawa ang mas magaling umarte. Gagampanan nila ang mga role ng magkapatid na hanggang sa huli ay hindi pinaghiwalay ng maraming hindi magagandang karanasan at hirap sa buhay.

May polio si Nonoy (Yves) kaya hindi ito nakakalakad at nakakatayo. Pero dahil palaging nakaalalay sa kanya ang kapatid na si Baning (Elmo) kung kaya naging magaan sa kanya ang buhay. Itinadhana si Nonoy na sumikat bilang isang singer at comedian at sa panahong ito ne­ver siyang iniwan ng kapatid.

Tambalan nina Dado Lumibao bilang direktor at Benson Logronio bilang writer ang bubuhay sa kuwento ng magkapatid. Kasama rin sa nasabing episode sina Miles Ocampo, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Pinky Marquez at marami pang iba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with