^

PSN Showbiz

Pauleen naiyak nang makita ang anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Coco isasama ang 100-year old na si Whang Od sa Panday

PIK: Umalis na si Winwyn Marquez patungong Bolivia kahapon ng tanghali, at hinatid siya ni Mark Herras sa airport. Isang mahigpit na yakap at matamis na halik ang pabaon ni Mark kay Winwyn, at nagkasundo na raw silang ‘wag munang magpa-pressure sa communication dahil kailangang mag-focus ni Wyn sa competition.

“Adjust adjust muna kami eh. 12 hours and diperensya rito sa atin kaya okay lang kung ‘di muna kami gaanong magtawagan. Siyempre, dun muna sa Reina (Hispanoamericana) siya mag-focus,” pakli ni Mark.

Very positive si Mark na makuha ni Wyn ang title na Reina Hispanoamericana 2017. Malaking karangalan din daw si Wyn bilang kauna-unahang Filipina na lumaban sa naturang international beauty competition at kauna-unahan din na representative mula sa Asia.

PAK: Baka end of the month daw ay magli-leave na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga bilang paghahanda  sa pagdating ng baby girl nila ni Vic Sotto.

Masaya ang mag-asawang Vic at Pauleen nang makausap namin sa kanilang baby shower na ginanap sa Andrea North, QC kahapon ng hapon.

Hindi masagot ni Pauleen kung totoong may date na nga ba ang panganganak niya na December 8. “We’re pushing sana for normal delivery kaya wala pang exact date talaga,” pakli ni Pauleen.

Natutuwa lang daw sila dahil happy pregnancy si Pauleen kaya naramdaman nila sa baby na masaya ito na walang ginawa kundi gumalaw nang gumalaw.

Hindi nga napigilan ni Pauleen na maluha nang makita sa 4D Ultra sound ang mukha ng kanilang baby girl.

Tingin daw ni Bossing Vic ay mas kamukha ni Pauleen ang magiging panganay nila, pero mas okay daw sana kung kumbinasyon ang hitsura nila.

“Mas maganda sana kung halo, pero babae siyempre sana kamukha niya,” sagot ni Bossing Vic.

Sabi naman ni Pauleen, “Naiyak ako eh. Well, of course no? Technology rin kasi na nasa loob pa ng tummy ‘yung baby pero nagkakaroon ka ng idea kung ano ang mukha ni baby.

“It’s really amazing, God is really amazing!” bulalas ni Pauleen.

Ilan sa mga dumalo sa baby shower kahapon ay ang mag-asawang Ryan at Judy Ann Agoncillo, Alden Richards, AiAi delas Alas, manager ni Pauleen na si Manay Lolit Solis at mga kasamahan nila sa Eat Bulaga.

BOOM: Kukunin kaya ni Coco Martin si Whang Od, ang pinakamatandang tattoo artist na taga-Kalinga para sa pelikula niyang Ang Panday?

Fan na fan pala si Whang Od ni Coco at isa lang ang hiling niya nang maimbitahan ito sa Manila FAME 2017 na magsisimula ngayong araw. At ito ang makita lang niya nang personal ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na gabi-gabi niyang pinapanood.

Nagkita nga sila ni Coco noong kamakalawa ng gabi at masaya rin si Coco dahil malapit daw talaga siya sa mga lola.

“Masaya po ako siyempre kasi pangarap ko talaga na magkita kami base dun sa mga video na napapanood ko, talagang naano ko na sana dumating ‘yung panahon na magkatagpo kami.

“Sabi ko nga eh, siguro dahil laki ako sa lola, alam mo ‘yung iba ‘yung pakiramdam na alam mong may taong humahanga at nagmamahal sa akin and at the same time, siguro ‘yun din ‘yung time na mapaligaya ko siya,” pahayag ng Kapamilya Primetime King.

Pagkatapos nilang ma-interview ng ilang reporters, nag-usap ng pribado sina Coco at Whang Od.

Hindi alam kung ano ang napag-usapan pero iisa lang ang duda ng karamihan, baka inimbita raw ni Coco si Whang Od kung puwede itong umapir sa Ang Panday.

Tingnan na lang natin kung iyon nga ang napag-usapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with