^

PSN Showbiz

Derek inuudyukang bumalik sa Kapamilya!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tanging si Derek Ramsay na lamang ang lone showbiz ta­lent na natitira sa bakuran ng TV5 na pinamumunuan ngayon ni Coach Chot Reyes.

Bumalik kaya sa bakuran ng ABS-CBN si Derek ngayong nakakagawa na rin siya ng pelikula sa Star Cinema, ang film outfit ng Kapamilya Network?

Derek was at the peak of his career nang magdesisyon itong lumipat sa TV5.

Aljur hinahasang mabuti

Mukhang niluluto nang husto sa bakuran ng Kapamilya Network ang dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica bago ito isalang sa sarili nitong tatampukang TV series.

Magmula nang siya’y maging isang Kapamilya, agad siyang isinalang sa FPJ’s Ang Probinsyano at kasunod na rito ang special series ng Wansapanataym kung saan niya kapareha ang bago ring lipat sa ABS-CBN from GMA at ex-girlfriend na si Louise delos Reyes.

Maganda siguro tingnan kung magkakasama sa isang TV project ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica na nauna sa kanyang lumipat sa ABS-CBN.

Kuya Germs tiyak na masaya sa nangyari kay Ken

Kung buhay pa sana ang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, tiyak na present ito sa presscon ng pelikulang This Time I’ll Be Sweeter na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at ng dating alaga niya sa Walang Tulugan with the Master Showman na si Ken Chan.

Si Ken ay isa sa mga pride noon ni Kuya Germs sa kanyang late night musical variety show.

Very proud noon si Kuya Germs kay Ken nang ito’y gawing bida sa hit TV series na Destiny Rose. 

Bukod kay Ken, kasama rin sa movie si Hiro Peralta na isa rin sa mga anak-anakan ng namayapang star builder.

Bukod kina Barbie at Ken, tampok din sa This Time I’ll Be Sweeter na idinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan for GMA Films and Regal MultiMedia sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Jai Agpangan, Fiona Yang, Kaki Ramirez, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Ara Mina, Rey `PJ’ Abellana at Jon Leo. Ito’y nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa November 8, 2017.

Fans ni Angel ayaw patinag

May isa kaming suki ng gulay sa palengke ng Cainta, Rizal na si Helen Mendoza ang nagsabi sa amin na kaya umano niya pinapanood ang La Luna Sangre ay dahil sa kanyang idolong si Angel Locsin.

“Bakit inaaway ng mga fans nina Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo) si Angel?” tanong sa amin ni Helen.

“Kaya ko lang pinapanood ang La Luna Sangre ay dahil kay Angel.  Kapag tinanggal nila si Angel, hindi ko na panonoorin ang programa,” diin pa ni Helen habang kami ay abala sa pamimili ng gulay.

Obvious na big fan talaga si Helen ni Angel dahil nang mag-break sina Angel at Luis Manzano ay hindi na rin niya gusto ang binata ng estranged couple na sina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with