^

PSN Showbiz

Angel wala pang panahon kay Angelica!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Angel Locsin sa kung ano man ang estado ng relasyon nila ngayon ng movie producer na si Neil Arce.

Matatandaang nabanggit ng aktres sa isang pahayag kamakailan na nagsasabihan na sila ng ‘I love you’ ng binata sa isa’t isa. “Happy kami kung ano kami. We’re very happy. Hindi kami nagmamadali pero sigurado naman kami sa isa’t isa,” makahulugang bungad ni Angel.

Samantala, ikinatuwa ng aktres ang ginawang pagtatanggol sa kanya ng mga kasamahan sa La Luna Sangre na sina Richard Gutierrez, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla sa mga bashers ng aktres sa social media. “Noong isang araw nagkita kami, so niyakap ko si DJ (Daniel) at saka si Kath. Si Kath, itinext ko, nagpasalamat ako sa kanila. Kahit si Chard, nagsalita na eh. Hindi naman kami nag-uusap pero nagsalita sila. Malaking bagay naman para sa akin ‘yon,” nakangiting pahayag ni Angel.

Sa ngayon ay hindi pa raw mabigyan ng panahon ng dalaga ang isang pelikulang pagsasamahan dapat nila nina Richard at Angelica Panganiban. “Honestly, naka-hold talaga ang lahat para dito sa La Luna Sangre. Choice namin ‘yon talaga. Gano’n siguro kami magtrabaho, ibibigay muna namin ‘yung lahat namin dito sa isang project,” giit ng aktres.  

Ogie may pinaghahandaang gag show

Muling pumirma ng kontrata si Ogie Alcasid sa ABS-CBN. Kamakailan ay pumirma rin ng kontrata ang singer para sa kanyang proyekto sa Star Music.

Bukod sa ASAP at pagiging hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ay pinaghahandaan na rin ngayon ni Ogie ang pagiging huradong muli para sa pinakabagong season ng Your Face Sounds Familiar. “Alam ko medyo iba ng kaunti yata ‘yung concept ngayon. Sobra kasi akong na-excite last year, matagumpay ‘yung aming programa. So I’m really looking forward to the launch of the new season of Your Face Sounds Familiar. Siyempre papakita tayo ulit ng mga bago nating mga kalokohan do’n. And at the same time, excited ako na makita kung sino ‘yung mga kalahok. I think teenagers ngayon, I’m not so sure,” pagbabahagi ni Ogie.

Posibleng makagawa ng isang gag show ang aktor sa Kapamilya network lalo pa’t matagal-tagal na rin niya itong ginagawa. “Nag-uusap kami ni tita Cory (Vidanes) na. Nagbi-brainstorm na kami. Hindi naman namin pinababayaan ‘yon. Kailangan lang siguro tama ‘yung proyekto. At siyempre kailangan magandang maganda. So ‘yun ‘yung pinag-uusapan pa namin,” nakangiting pahayag ni Ogie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with