^

PSN Showbiz

Regine pahihirapan ang sarili sa concert!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tomorrow na ang R3.0, ang 30th anniversary concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Originally, one night only ang concert ni Regine pero mabilis na nagdesisyon si Boss Vic del Rosario na magkaroon ng repeat kinabukasan, October 22, dahil naubos agad ang tickets para sa unang gabi ng R3.0.

Mabuti na lang, available ang Mall of Asia Arena kaya nakuha agad ng Viva Live! ang venue.

Magkaiba ang repertoire ni Regine sa first and second night dahil iba ang mga special guest niya.

Pinahirapan ang sarili ang sey ni Regine tungkol sa desisyon niya na baguhin ang kanyang mga kakantahin at mga special guest na iimbitahin.

Mabibili sa lobby ng Mall of Asia Arena ang 30th anniversary album ni Regine. Thirty songs ang mapapakinggan sa album ni Regine sa Viva Records bilang pagpupugay sa 30th anniversary niya sa entertainment industry.

Inaabangan sa concert ni Regine ang duet nila ng kanyang anak na si Nate na mukhang susundan din ang yapak ng mga magulang niya na parehong magagaling na singer.

Pauleen kailangang tumulad sa asawa ni Joey

Malapit nang mag-leave sa Eat Bulaga si Pauleen Luna dahil papalapit nang papalapit ang araw ng pagsisilang niya sa panganay nila ni Vic Sotto.

Happy ako para kay Pauleen dahil natagpuan na niya ang kanyang forever. Lalong madaragdagan ang happiness nila ni Bossing kapag isinilang na niya ang kanilang baby daughter.

Para sa akin, ang pagkakaroon  ng matibay na family life ang pinakamaganda at bonggang achievement ng isang babae, kahit  active sila sa showbiz, tahimik ang buhay nila at nalalampasan ang lahat ng mga pagsubok.

Ang maging magulang ang pinakamahirap na career ng mga babae at lalaki pero mas malaking responsibilidad ang pagiging ina dahil ang mga nanay ang madalas na sinusumbatan kapag naligaw ng landas ang kanilang mga anak.

True na mahirap bitawan at talikuran ang showbiz dahil malaking sakripisyo na iwanan ito, lalo na kung nasa itaas ka pero kung ang future naman ng anak mo ang magdurusa dahil sa career mo, ano magi­ging choice mo?

Pumasok sa isip ko ang mga bagay na ito nang makita ko na maligayang-maligaya si Pauleen sa kanyang nalalapit na panganganak.

Sinabi ko kay Pauleen na gusto kong makita siya na tulad ni Eileen de Leon na tahimik na housewife, college graduate ang mga anak dahil tulad ni Papa Joey de Leon, sure ako na Vic Sotto is a good provider.

Kung gusto ni Bossing na maging hands on mother and wife si Pauleen, gusto ko na sundin ng misis niya ang kanyang kagustuhan.

Paolo triple ang celebration sa birthday

Thirty-five years old na si Paolo Ballesteros sa November 29 kaya parang birthday presentation niya ang Barbi, The Wonder Beki dahil sa last week of November ang playdate ng pelikula na pinagbibidahan nila ni Papa Joey de Leon.

Maraming plano si Paolo sa kanyang 35th birthday dahil hoping siya na malilipatan na niya ang bagong bahay na ipinatayo sa Antipolo City.

Kapag natuloy ang paglipat ni Paolo sa kanyang bagong tahanan, triple celebration ang mangyayari dahil birthday din ni Keira, ang one and only daughter niya.

Bongga para kay Paolo ang 2017 dahil maraming magaganda ang nangyari sa showbiz career niya, kesehodang nganga ang kanyang lovelife. Alam na ngayon ni Paolo na may katotohanan ang sinasabi ng iba na mahirap pagsabayin ang lovelife at career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with