^

PSN Showbiz

Birdshot, si Angelina Jolie ang mabigat na kalaban sa Oscars!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Birdshot, si Angelina Jolie ang mabigat na kalaban sa Oscars!

Cast of Birdshot

MANILA, Philippines — May inilabas na Oscar predictions ang isang website (awardscircuit.com) at luckily, kasali ang ipinadala ng bansa sa Top 12, ang Birdshot, para sa Best Foreign Language Film. Though last week pa lumabas ang nasabing predictions, hoping ang nasa likod ng pelikula na mapapasama sa short list ng jury ang Birdshot na tungkol sa pagpatay sa Haribon/Philippine Eagle.

Eksena sa first...

Nanguna naman sa Top 12 ang pelikulang galing sa bansang Cambodia, ang First They Killed My Father. Ito ‘yung idinirek ni Angelina Jolie na ipinalabas sa Cambodia Last September.

Grabe ang gaganda ng review ng pelikulang ito na sinasabing best film ng Hollywood actress bilang director. Puring-puri siya at ang kabuuan ng pelikulang ito.

Angelina Jolie

Base ito sa historical account ng aktibistang Cambodian na si Loung Ung na co-screenplay writer ng pelikula kung saan nabiktima ang kanyang pamilya ng  ‘genocide’ o pagpatay ng umano’y 2 million people sa ilalim ng Marxist leader.

At ito ang tiyak na mabigat na kalaban ng Birdshot na hindi nagpapahuli sa ganda ng mga review na idinirek ng bagets director na si Mikhail Red.

 

JC Santos at Bela Padilla

100 Tula nina Bela at JC, nag-shoot ng ibang ending!

Wow magkakaroon ng alternate ending ang pelikulang 100 Tula Para kay Stella na nag-no. 1 sa isinagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kamakailan.

Sad ang ending ng kuwento nina Fidel at Stella. Nagpakasal sa iba si Stella. At nanatiling malungkot ang puso ni Fidel.

Pero kahapon ay ibinalita ni Bela Padilla (Stella) na nagkita sila sa shooting ni JC Santos (Fidel). “Kahit papaano, masaya naman today ‘coz of this guy (JC Santos). Reunion. We’re gonna shoot today!,” sabi ng aktres na isa sa ring scriptwriter sa kanyang Instagram story.

Stella and Fidel, picking up where we left off. You guys are gonna see an alternate ending very very soon.”

Isa nga pala ang pelikula sa nag-participate sa natapos na Asian Film Market sa Busan, South Korea.

Erich Gonzales

Erich iba ang ipinakita sa Siargao!

Ang ganda ng trailer ng pelikulang Siargao nina Erich Gonzales and Jericho Rosales na idinirek ni Paul Soriano.

At sobrang sexy ng actress dito. Ang ganda rin ng Siargao kaya parang maeengganyo kang panoorin.

Sa pelikulang ito nagkaroon ng ingay na umano’y may nangyari kina Erich and Direk Paul na mister ni Toni Gonzaga.

Pero hindi lumaki ang apoy dahil nga mabilis naman ang depensa ni Toni na may tiwala siya sa mister at hindi naman daw niya naramdamang nagloko ito.

Nananatiling single si Erich habang may karelasyon na ang ex niyang si Daniel Matsunaga, ang US-based top model na si Karolina Pisarek na nakilala ng aktor nang magbakasyon sa bansa kasama ang Bench model na si Ivo Buchta at isang Pinoy photographer na US-based din ayon sa isang source.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with