^

PSN Showbiz

Aktres nilayasan ang ina sa condo, lumipat na sa naipundar na bahay at lupa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi sa condo unit lumipat ang aktres na nabalitang umalis na sa poder ng kanyang ina. Bumili ng bahay ang aktres sa isang subdivision at doon na ito umuuwi. Gawa na ang bahay kaya mabilis itong nakalipat.

Ang sabi, house helpers, yaya, at driver ang kasama ng aktres sa bago niyang bahay at ang kanyang ina ay naiwan sa bahay nila na isang town house. Siguro naman maayos na nagpaalam ang aktres sa ina na mamumuhay mag-isa.

Mapupuri mo ang aktres na sa edad niya at ilang taon pa lang sa showbiz ay may sariling bahay na at nakapagpundar ng mga gamit. Makikitang may pinupuntahan ang kanyang kinikita, pagod at puyat.

Pacman tutulong mamili ng mga kuwento sa Bibliya na eere sa GMA

Presenter at hindi host ang tawag sa partisipas­yon ni Sen. Manny Pacquiao sa drama anthology ng GMA 7 na Stories for the Soul. Sa simula ng once a month drama anthology siya mapapanood at magbibigay ng food for thought sa ending.

Ang sabi sa amin, kasama si Sen. Manny sa pumipili ng stories from the Bible na isasadula sa Stories for the Soul.

Sa October 29, sa time slot ng SNBO mapapanood ang Stories for the Soul na ang two episodes na nakunan na ang isa ay inspired sa The Song of Ruth na tatampukan nina Andrea Torres at Shamaine Buencamino.

Ang isa pang episode ay inspired sa The Prodigal Son at tampok sina Juan Rodrigo, Jeric Gonzales, at Martin del Rosario at pinamagatan ang episode na Sa Ngalan ng Anak.

Hindi pa napipili ng mga bossing ng GMA 7 kung alin sa dalawang episodes ang gagawing pilot. Ang siniguro ng creative staff, parehong magugustuhan ng viewers ang dalawang episodes.

Janice gumagawa na rin ng sabon

Nakakatuwa si Janice de Belen dahil hindi na lang cookies at cakes ang ginagawa ‘pag wala siyang taping ng My Korean Jagiya.

Gumagawa na rin ng sabon si Janice at very proud niyang ipinost sa Instagram (IG) ang gawa niyang Bamboo verbena with poppy seeds and lime leaves vanilla oatmeal soap.

Jerald handang ikumpara kay Empoy

Walang keber si Jerald Napoles kung second choice siya sa role ni Dave sa The Write Moment na entry sa QCinema Film Festival na magbubukas simula ngayong araw, October 19 hanggang Oct. 28. 

Handa na rin si Jerald na makumpara kay Empoy na naging big star after ng Kita Kita.

Bukas, magsisimula ang showing ng The Write Moment at iba pang entries sa QCinema Film Festival sa mga sinehan sa Quezon City. Si QC Vice Mayor Joy Belmonte ang isa sa force ng QCinema Film Festival at makapagmamalaki ito dahil galing sa nasabing filmfest last year ang ilan sa magagandang pelikula na ipinalabas this year.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with