^

PSN Showbiz

Winwyn may dalang panuhol sa mga kalaban!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukas na ng gabi mapapanood sa Music Museum ang sexy-comedy stage play na Solo Para Adultos, at ang isa sa excited na mag-perform ay ang dating Wowowin co-host na si Tori Garcia.

Medyo kabado ang taga-Singapore na DJ sa kauna-unahan niyang stage performance dahil ngayon lang daw siya magpapa-sexy. Thankful naman siya kay Willie Revillame dahil kahit matagal na siyang wala sa Wowowin, all-out pa rin ang suporta sa kanya ng TV host.

Nagbenta raw si Tori ng tickets kay Willie, at hoping siyang panonoorin siya ng Wowowin host.

PAK: Tatlong evening gowns at isang national costume na Pintados-inspired ang bitbit ni Winwyn Marquez patungong Bolivia ngayong araw. Thirty-six hours ang biyahe ni Wyn pa-Bolivia kaya effort daw ang biyahe niya. Mabuti at kasama niya ang kuya niyang si Yeoj Marquez kaya kahit paano ay may katulong siya.

Kinarir din daw ni Wyn ang dala niyang surprise gift para sa mga co-candidate. May dala rin siyang Miss World pearl necklace na regalo para sa mayor doon na maghu-host sa kanila.

Very positive naman si Mark Herras na maiuuwi ni Wyn ang title na Reina Hispanoamericana. Kaya, ‘reina’ na ang tawag ni Mark sa kasintahan.

Humihingi si Wyn ng tulong sa ating lahat na iboto siya online, dahil ang mananalo sa Multimedia title ay sure nang pasok sa finalists at sa question and answer na raw magkatalo na kampante tayong lahat na kayang-kaya ni Wyn.

BOOM: Tinapatan na nga ng Ghost Bride ng Star Cinema ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ng OctoArts na magsu-showing sa November 1. Ang kasunod naman na ipalalabas ng OctoArts ay ang Barbi, The Wonder Beki ni Paolo Ballesteros na magsu-showing sa November 29.

Balak daw itong tapatan ng Star Cinema ng Ang Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

Kaya minamadali na raw nila ngayon ang shooting para umabot sila sa target playdate.

Welcome naman sa OctoArts ang ganung tapatan, na ang tanging wish nila ay parehong tangkilikin daw sana dahil magkaiba ito ng genre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with