^

PSN Showbiz

Nadiskubre ang kaso ng paninigarilyo sa eroplano , Baron nasa kulungan pa rin!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Kris laglag na ang korona bilang Queen of All Media! Pambato ng ‘Pinas sa Miss World may anggulong hindi pang-beauty queen

SEEN: As of presstime, nakakulong pa rin si Baron Geisler sa Kamuning Police Station dahil nadiskubre na may standing warrant of arrest siya sa Lapu-Lapu City na nag-ugat sa paninigarilyo nito sa loob ng eroplano. Hinuli at ikinulong si Baron dahil sa pagwawala niya sa isang restaurant/bar sa Quezon City noong October 16.

SCENE: Si Danita Paner ang bagong contract star ng Viva Artists Agency. Pipirma ngayon si Danita ng exclusive contract sa talent management agency ng Viva Entertainment, Inc.

SEEN: Ngayon ang US trip ni Winwyn Marquez, ang official representative ng Pilipinas sa 2017 Reina Hispanoamericana na magaganap sa November 4 sa Santa Cruz, Bolivia. Sa New York City ang port of entry ni Winwyn patungo sa Bolivia.

SCENE: Ang pasasalamat ng veteran actress at radio talent na si Luz Fernandez sa direktor na si Chito Roño dahil ito ang palaging nagbibigay sa kanya ng role sa mga horror movie ng Star Cinema.

SEEN: Ang bag raid ni Kris Aquino na ito mismo ang gumawa, hindi ang ibang showbiz personality dahil limitado na ang kanyang television exposures. Hindi na si Kris ang Queen of All Media dahil walang Queen of All Media na walang regular television show.

SCENE: Hindi komportable ang ibang televiewers kapag pinapanood nila ang mga eksena ni Helen Gamboa sa Super Ma’am dahil tila nahihirapan siya sa pagbibitaw ng mga linya niya.

SEEN: Kulang sa star quality si Nikko Natividad, ang gumanap na anak ni AiAi delas Alas sa Bes and The Beshies. Pang-character roles si Nikko, hindi siya pambida.

SCENE: Unflattering ang mga lumalabas na litrato ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann. Dapat pinipili ang mga inilalabas na litrato ni Lehmann dahil may mga anggulo na hindi siya mukhang beauty queen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with