^

PSN Showbiz

Julia binabantayan na ang mga kinakain!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Usap-usapan ngayon ang magandang panga­ngatawan ni Julia Barretto. Makikita sa post ng aktres noong Linggo sa kanyang Instagram account ang pagkakaroon nito ng magandang abs.

Ayon kay Julia ay talagang pinagsusumikapan niyang mag-workout sa gym kahit abala sa trabaho. “I worked so hard for that. So when I saw it in the picture, I said, ‘Oh my gosh! I want to share this,’” nakangiting bungad ni Julia.

Sobrang seksi ng dalaga sa nakaraang Star Magic Ball dahil pinaghandaan daw niya ang gabing iyon. “Few weeks before the Star Magic Ball, I had time to really workout also and watch what I was eating. So I was able to catch up. I feel better. My skin is so much better. I feel when you’re healthier, it has a good effect mentally, physically, emotionally,” pagbabahagi ng aktres.

Pinili ni Julia na magkaroon ng healthy lifestyle para na rin sa sariling kapakanan. “I have to because it’s for myself. It’s for the people who look up to me, it’s for my health. I like to exercise. I think I just grew up being so active,” giit ng aktres.

Mula pagkabata ay mahilig na raw si Julia sa iba’t ibang sports. “I did tennis. I did badminton and I was an ice skater. Volleyball was my most favorite so I stuck to that,” pagtatapos niya.

Muntik sumuko, Donita nagka-problema sa pera

Ngayon lamang ulit nakagawa ng pelikula si Donita Rose pagkalipas ng labing-apat na taon. Kabilang ang aktres sa Seven Sundays ng Star Cinema na patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon.

Ayon kay Donita ay nakaranas na siya ng problema sa pera dahil matagal-tagal siyang hindi nakapagtrabaho. Nahihirapan din ang aktres sa pagiging single parent sa anak na lalaki. “Para akong nabuhusan ng ulan, nandoon ako sa kotse ko, iyak ako nang iyak. Sabi ko, ‘Lord, ‘di ko na kaya ito.’ Habang umiiyak ako, pinalampas ko na lang muna then I prayed. Then tinawagan ako ng manager ko and I said, ‘Parang ‘di ko na kaya ang pinagdadaanan ko.’ Sabi niya, ‘Hindi ba ikaw lagi mong sinasabi na magtiwala kay Lord. Huwag kang mag-alala, may darating at darating din.’ The next day, ‘Hello Donita, may movie offer ka,” nakangiting kuwento ni Donita.

Kahit nakakahiya ay naibahagi ng aktres ang kanyang pinagdaanan sa Magandang Buhay upang magsilbing inspirasyon din sa mga tagahanga. “Siyempre kung ito ay magandang mensahe para magtiwala tayo. After that, sinabi sa akin may pelikula, ang pangalawang naisip ko, ‘Naku! Hindi pa ako fit, hindi pa ako ready.’ Ang sagot, ‘Huwag kang mag-alala, kasi dito ay buntis ka.’ Buntis ang role. So sobrang happy ako na nakasama ako sa pelikulang ito, dahil ang ganda-ganda ng pelikulang ito,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with