^

PSN Showbiz

Katuwang ang Hermes? Heart maglalabas ng sariling brand ng clutch at gamit sa bahay!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Katuwang ang Hermes? Heart maglalabas ng sariling brand ng clutch at gamit sa bahay!

Heart

Just wow.

Confirmed na maglalabas si Heart Evangelista ng sariling brand ng clutch bag at mga kagamitan sa bahay.

Yup, you read it right.  Maison Love Marie ang gagamitin niyang pangalan sa mga bag at mga gamit sa bahay tulad ng plates, candles, etc. etc. na ipo-produce ng kanyang sariling kumpanya.

Ang sabi ng source, may say ang Hermes sa clutch bag at home line ng Kapuso actress bagama’t hindi niya ito nabanggit sa isang interview kamakailan.

Pero more than two years na pala itong tina-trabaho ni Heart kaya pabalik-balik siya sa Paris. ‘I am working on two major things: my home line [with] plates and candles, and my clutch line, which is gonna be so nice! I am designing everything and we are making things happen,” banggit niya sa interview ng preview.com.

At naghahanap na raw siya ng magiging office ng Maison Love Marie. “I am already looking for an office and starting to hire more people to help me out. This is it! It’s going to be a company, and I think this is the best decision I have ever made,” sabi niya pa sa interview ng preview.

Kilala sa pagiging classy ng actress kaya asahang kakaiba ang ilalabas niyang mga clutch bag at ilang gamit sa bahay.

Liza at Cesar

Tourist spots ng bansa ibinibenta sa mga International Film Producer

Hindi lang ang Pinoy films ang minarket ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) led by Ms. Liza Diño sa naganap na Asian Film Market sa Busan, South Korea. Pinu-push din nila ang Discover us. Explore us. Film Philippines now. Yup, mina-market nila sa mga international film producer and film makers, na mag-shooting sa bansa, sa magagandang lugar natin.

Katuwang ng FDCP sa Discover us. Explore us si Tourism Promotions Board COO Cesar Montano.

Kaya naman bumiyahe ang actor sa Busan. Binisita niya ang Philippine Pavillion sa AFM na matatagpuan sa Busan Exhibition and Convention Center (BEXCO).

Bilang TPB COO ng Department of Tourism, target ni Cesar na engganyuhin ang foreign filmmakers na mag-shooting sa bansa katuwang ang FDCP. Pero hindi lang basta gawing shooting destination. Ayon ka FDCP Chair and CEO Liza, gusto nilang magkaroon ng partnership para mas ma-promote ang ating bansa at para kumita na rin at magkaroon ng hanap-buhay ang maraming nating film workers na jobless o bihira nang magkatrabaho.

Oh well, sa sigasig ni Ms. Liza, hindi malayong mangyari ang mga pina-plano nila sa movie industry natin.

Bahagi nang ginaganap na Busan International Film Festival (BIFF 2017) ang Asian Film Market (AFM) na tumagal ng apat na araw (October 14 to 17) kung saan nagbebenta ang iba’t ibang bansa ng kani-kanilang pelikula sa mga distributor all over the world. Ang BIFF 2017 naman ay hanggang October 21 pa.

Pitong Tagalog films ang official na kasali sa BIFF habang 15 films na gawang atin ang mina-market nila sa AFM.

Isa sa seven films ang dinirek ng anak ng namayapang si Tony Calvento, si Sonny Calvento, ang The Decaying (Nabubulok).

Nang panoorin namin ito nina tita Lolit Solis and Isah Red sa Lotte Cinema (Busan) nung Sabado ng hapon, marami kaming nakasabay na mga foreigner na delegates din ng BIFF. Marami ring Korean students na ginawang field trip ang panood ng mga pelikula sa BIFF at isa nga doon sa pinanood nila ay ang The Decaying.

And for change hindi poverty porn ang tema ng pelikula. Pero pag-iisipin ka. In a nutshell, tungkol sa nabubulok na justice system ang premise ng kuwento.

Starring sa movie sina Gina Alajar, JC Santos, Jameson Blake, Elaine Yu, Lito Pimentel, Jerom Canlas, Sue Prado, Krystal Mejes, Dannah Cardoza, Jojo Riguerra, Lao Rodriguez, Raul Morit and Billy Ray Galleon. Isa ito sa mga entry ng nakaraang Cinemalaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with