^

PSN Showbiz

Baron kalaboso na naman sa pag-aamok!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nalulungkot kami para sa actor na si Baron Geisler dahil matapos itong mag-guest sa aming radio program sa DZRJ, ang Inside Showbiz last October 8 kung saan nangako at nagpahayag  itong nagbago na umano siya, heto’t nasangkot na naman siya sa isang gulo sa isang resto bar in Tomas Morato, Quezon City ka­ma­kailan lamang na siyang naging dahilan para siya’y ma-detain sa isang police sta­tion in Kamuning, Quezon City.

Apparently, hindi pa rin talaga matalikuran ni Baron ang alak na siyang nagtutulak sa kanya sa kapahamakan.

Paano pa makukuha ni Baron  ang tiwala sa kanya ng mga producer kung paulit-ulit na lamang ang kanyang pagkakasangkot sa gulo dahil sa kanyang pagiging la­senggo?

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ultimo mga kapatid niya ay ayaw na rin siyang pakialaman.

Si Baron ay mag-isang naninirahan ngayon sa isang rented house in Pampanga kung saan niya dating kasama ang kanyang namayapang ina na sa pagkakaalam namin ay hin­di na rin nababayaran ng actor ang renta.

Bukod sa pagiging isang mahusay na actor ay isa ring painter si Baron, na hindi niya pinapahalagahan.

Binalak pa ni Baron na magpalit ng kan­yang screen name dahil sirang-sira na umano ang kanyang pangalang Baron Geis­ler pero sina­bi namin sa kanya na hindi ang pa­ngalan niya ang sira kundi siya mismo ang sumisira ng kanyang pangalan.

Sayang ka, Baron.

Ipon muna ng dalawang taon, Dianne at Rodjun ayaw madaliin ang kasal

Gusto ng newly-engaged couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na ma­pag­handaan nang husto ang kanilang kasal kaya ayaw nila na madaliin ang lahat.  Balak nila na sa December 2019 pa i-set ang kanilang wedding para mahaba ang kanilang oras sa preparasyon.

Rayver at Janine  enjoy lang sa isa’t isa

Ayaw pa ng Kapuso star na si Janine Gutierrez lag­yan ng label kung anumang relasyon meron sila ngayon ng Kapamilya singer-actor-dancer na si Rayver Cruz. Ang mahalaga umano sa kanila ngayon ay pareho silang nag-i-enjoy sa company ng bawat isa at tanggap sila ng kani-kanilang pamilya.

Si Janine ay isa sa mga tampok na bituin ng horror movie ng OctoArts Films, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted na idinirek ni Joey Javier Reyes at mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong November 1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with