^

PSN Showbiz

Kim Rodriguez sumagot sa dalawang beses na pagbubuntis at idini-date

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa presscon lang ng This Time I’ll Be Sweeter uli namin nakita si Kim Rodriguez, kaya dun na namin nilinaw sa kanya ang mga isyung kinasangkutan niya noong nananahimik siya at wala pang regular show sa GMA 7.

Nakarating din daw sa kanya ang isyung nabuntis siya, at meron itong nakarelasyong mayamang politician. Pahayag ni Kim, “Nagulat nga ako na nabuntis daw, nalaglag, nabuntis daw uli, dalawang beses yata ako nabuntis.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling iyung istor­ya na nabuntis ako, pero ang alam ko lang tumaba lang ako, pero hindi pa rin naman mukhang buntis.”

Sa ngayon ay exclusively dating daw siya sa isang aktor ng taga-kabilang istasyon na ayaw niyang banggitin kung sino dahil mas gusto nilang tahimik lang.

PAK: Todo-suporta si Mark Herras sa pagsali ni Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamericana at ‘reina’ ang tawag niya ngayon sa actress/beauty queen.

Bukas na ang alis ni Winwyn, kaya madalas na sinasamahan ni Mark ang kasintahan na abala sa paghahanda.

Sa gowns lang daw na dadalhin ni Winwyn ay kailangan niyang karirin ang pagdala nito, kaya naroon daw siya para tumulong.

Itinatanggi ng Kapuso actor ang sinasabi ni Laura Lehmann na lalo raw siyang naging seloso magmula nang magka-title si Winwyn.

“Hindi naman. Wala namang nabago. Matagal nang dream ni Wyn ‘yan eh. Kaya dito lang ako para sumuporta.”

Hindi na nga raw sila nag-aaway dahil naintindihan daw niya na mas kailangang mag-focus ngayon ni Winwyn sa Reina Hispanoamericana. “Alam ko kasing nakatutok sa kanya ngayon doon, dahil first time na may Asian na sasali, at Filipina pa. Kaya, challenge talaga ito sa kanya,” dagdag na pahayag ni Mark.

BOOM: Bago nangyari ang gulong kinasangkutan ngayon ni Baron Geisler ay may nakausap itong kaibigang taga-showbiz at sinabi nitong sobrang lungkot ng aktor. Nahihirapan daw kasi siyang makabalik sa trabaho dahil sa mga gulong kinasangkutan niya noon. Nabanggit pa raw ni Baron na naisip na niyang mag-suicide dahil na rin sa depression.

Itong huling gulong kinasangkutan niya ay nagwala daw ito sa TGIF sa Tomas Morato at itinanggi na  naman ng aktor na siya ang nagsimula ng gulo.

Kinukuwestiyon niya sa isang interview, kung bakit walang mailabas na CCTV footage ang naturang resto-bar. Sana tingnan daw muna nila ang CCTV kung sino ang nagpasimuno ng gulo, at sino ang nagwala sa naturang bar.

As of presstime, naka-detain pa rin si Baron sa police headquarters sa Kamuning station malapit sa EDSA.

Ang hiling lang ng aktor, sana ilabas ang CCTV footage para makita ang totoong kuwento.

Umiiwas na nga raw siya sa gulo, dahil gusto na raw sana talaga niyang makabalik sa trabaho, at mabalik na rin ang tiwala sa kanya ng mga producer, TV network at mga director.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with