^

PSN Showbiz

Aktres nalusaw lahat nang pinagpaguran nung kasikatan!

UBOS - Pilipino Star Ngayon

Junior na lang kung tutuusin ng isang pamosong female personality ang isang magaling na singer-actress na parang kalabaw na isinuga sa bukid ng kanyang mga magulang para magtrabaho.

Meron silang ipinagkakapareho. Mababait silang anak, hindi sila nagrereklamo kahit pa puyat na puyat sila at walang pahinga, kung ano ang dapat nilang gawin ay walang kagatul-gatol nilang gagampanan para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

Ang mas nakatatandang babaeng personalidad ay nagsimulang mag-artista nu’ng bata pa siya. Teenager pa lang siya ay nagtatrabaho na siya sa harap ng mga camera.

“Maganda lang siyang tingnan, very bubbly siya, pero ang totoo, e, kailangan niyang magtrabahong-kalabaw para sa family nila. Siya ang breadwinner, umaasa lang sa kanya ang pamilya niya, siya lang ang kumikita kaya wala siyang dapat sayanging panahon,” simulang kuwento ng aming source.

Pinagdamutan ng personal na kaligayahan ng kanyang mga magulang ang mas nakatatandang aktres. Nakipagrelasyon man siya nu’n sa isang guwapong aktor ay patago lang kung magkita sila dahil bawal.

“Saan ka naman nakakita ng magkarelasyon na sa malalayong lugar pa kailangang magkita para lang sila magkaroon ng bonding? Nagpapanggap na lang ang girl na may show siya sa isang malayong probinsiya pero ang totoo, e, magkikita lang sila ng boyfriend niya?

“Kapag pagkakakitaan, e, walang reklamo ang parents niya kahit saang lupalop pa siya magpunta. Ang mahalaga, e, ang kikitain niya, ang inaabot niyang datung sa mommy niya pagdating niya sa bahay.

“’Yun lang ang chance para magkita sila ng boyfriend niya, kaya ang ginagawa ng girl, e, nag-iipon siya ng datung o kaya, e, nangungutang, para lang may show money siya sa mommy niya kapag umuuwi na siya mula sa isang show kuno sa probinsiya!

“At ang nakakaloka pa, e, natunaw nang lahat ang mga properties na ipinundar niya. Nu’ng magtanong siya sa mommy niya, e, naibenta na pala ang mga ‘yun nang wala siyang kaalam-alam. Iyak nang iyak ang girl.

“Ang ganda-ganda pa naman niya, matalino rin siya, pati ang name niya na galing sa isang bulaklak, e, ang ganda-ganda rin. Pero malungkot ang buhay niya, sa totoo lang, walang kasinglungkot,” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Kalungkutan ni Nadine kitang-kita sa kanyang mga mata

Napanood si Nadine Lustre sa It’s Showtime nu’ng Lunes nang tanghali na nakikikanta at makikipagsaya sa kanyang mga kasamahan. Parang walang nangyari, naging propesyonal si Nadine, na umani na naman ng pamba-bash mula sa mga walang magawa sa buhay.

Bakit daw ganu’n si Nadine, kamamatay pa lang ng kanyang kapatid ay nakakaya na niyang mag-host, hindi man lang daw ba siya naapektuhan ng pagkamatay ni Isaiah?

Sa halip na upakan ang dalaga ay dapat pa nga siyang papurihan dahil sa kanyang propesyonalismo. Ano kaya ang gustong mangyari ng kanyang mga bashers, ang magmukmok na lang siya sa isang sulok, ang hindi maging produktibo ang kanyang panahon?

Ang sugat na iniwanan ni Ice sa kanilang pamilya ay malalim at walang paggaling. Hindi ‘yun tulad ng gasgas na linisan lang at inuman ng gamot ay gagaling na kaagad.

Ang pagkawala ng kanyang kapatid ay hindi nagsimula sa pagpapakamatay nito, paglalamay hanggang sa mahatid na sa kanyang huling hantungan, kahit bumilang pa nang maraming taon ay bitbit pa rin ng pamilya ni Nadine sa kanilang puso ang pagdadalamhati.

Pero kailangan nilang makapag-move-on. Hindi puwedeng pahintuin ni Nadine ang ikot ng kanyang mundo nang dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid. Kailangan niyang gumalaw nang pasulong at hindi paurong dahil walang mangyayari sa kanyang buhay at career.

Nang mapanood namin si Nadine Lustre nu’ng Lunes ay nakaramdam kami ng pag­hanga sa young actress. Nakikipagbiruan siya sa kanyang mga kapwa artista, nakikipagsaya, pero sa kabila nu’ng ay nagsasalita ang kanyang mga mata.

Nandu’n pa rin ang kanyang pagdadalamhati, pero kailangan niyang kumilos, karga pa rin niya ang kalungkutan pero kailangan niyang magpakatatag at maging propesyonal.

Hinahangaan ang ganu’n, hindi bina-bash at pinakakain nang masasakit na salita, pinapalakpakan ang katapangang meron si Nadine Lustre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with