^

PSN Showbiz

Ken Chan gustong ibili ng star si Barbie!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ken Chan gustong ibili ng star si Barbie!

Ken Chan

PIK: Touching ang mensahe ni Ken Chan kay Barbie Forteza sa presscon ng pelikula nilang This Time I’ll Be Sweeter. Sinorpresa ni Ken si Barbie ng kantang Born For You at mahigpit niya itong niyakap.

Sabi ng Kapuso actor kay Barbie, “Naniniwala ako na ang pagiging magkaibigan natin na mapapanatili natin ito nang mas matagal. Sa friendship natin, dito masasabi ko may forever.”

Ang isa pa raw sana niyang gustong gawin ay ibili ng star si Barbie. May alam kasi siyang bansa na merong nabibiling stars, pero hindi niya nagawa.

“Pero ‘di bale, ikaw na naman ang star dito sa movie natin,” dagdag na pahayag ni Ken kay Barbie.

Nagpasalamat naman si Barbie sa Regal Films dahil binigyan sila ng project na pagsasamahan nila ni Ken.

“Thanks to Regal na nakatrabaho kita. Sobrang saulo na natin ang isa’t isa,” bahagi ng mensahe ni Barbie kay Ken.

Sa November 8 na ang showing ng This Time I’ll Be Sweeter, at masu­werteng araw daw ito sabi ni Barbie.

PAK: Nagkita ang young actor at ex-girlfriend niyang young actress sa nakaraang Star Magic Ball. Nagkabatian naman ang dalawa at nagbeso. Walang tsikahan pero pagdating sa kani-kanilang table, napansin ng current girlfriend ni young actor na panay ang tingin nito sa ex. Lagi raw itong nakatanaw sa table ng dating karelasyon, na ikinairita ng current girlfriend na isa ring kilalang young actress.

Sinabihan ni young actress si young actor na puntahan na lang sa table ni ex-girlfriend dahil napapansin na nga niyang pa­nay ang tingin nito.

Kaya nag-behave na si young actor at umiwas na ng tingin sa table ng ex.

BOOM: Nakausap namin ang ilang taong malapit sa pamilya ni Kathryn Bernardo at naikuwento sa aming ayaw na lang daw nilang palakihin ang lumabas na video ng panlalait ni Xander Ford sa Kapamilya young actress. Cool lang daw si Kathryn, at tahimik na rin ang Mommy Min niya, pero namu-monitor daw nila ang nangyayari.

Mabilis daw ipinaparating sa kanila ng fans ang mga pinagsasabi ni Xander maging ang reaction ng fans at ilang celebrities na nakisimpatiya sa young actress. Humingi na ng paumanhin si Xander at nagpalusot itong noong Marlou Arizala pa siya, kaya gusto na raw sana niyang magbago at mabigyan ng chance na baguhin ang mga maling nagawa niya.

Ang kinatatakutan lang ng iba, baka umaksyon daw ang ABS-CBN 2 o Star Magic laban kay Xander dahil sa ginawa nito kay Kathryn. Sabi ng ilang taga-ABS, puwede raw talaga silang magdeklarang iwasan ng mga taga-Star Magic na makatrabaho si Xander.

Kung mangyari ito, iyun na tiyak ang ikalulumpo ng career ni Xander. Kaya dapat na may gawin ang management group ng binata na Star Image Artist Management.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with