^

PSN Showbiz

Pokwang suportado si AiAi sa pagdedemanda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pokwang suportado si AiAi sa pagdedemanda!

Pokwang

Pabor si Pokwang na idemanda ni AiAi delas Alas ang nambu-bully sa fiance ng kaibigang si Gerald Siba­yan. Sabi ni Pokwang, tamang sampolan ni AiAi ang mga cyberbully.

“Mga kinain ng inggit ang pagkatao ng mga yan! Naku sarap kutusan deserve mo maging happy noh! wag nga sila dyan,dagdag pa ni Pokwang na sinagot ni AiAi ng “yes pokee laban hehehe SAMPOL SAMPOL!!!,”.

Samantala, bukas na ang opening ng Bes and the Beshies, ang pelikula nina AiAi, Carmi Martin, Beauty Gonzales, at Zsa Zsa Padilla sa direction ni Joel Lamangan.

Tiki group nagpa-send off kay Winwyn

Ang ganda pa rin ng samahan ng dating magkakasama sa Party Pilipinas at SOP kahit lumipat na sina Jay R, Kris Lawrence, at Enzo Pineda sa ABS-CBN. ‘Pag libre sila sa schedule, nagkikita-kita ang grupo nina Mark Herras, Aicelle Santos, Rocco Nacino, Rodjun Cruz, Sef Cadayona and the rest.

Hindi natatanong si Rocco kung bakit Tikis ang itinawag nila sa kanilang grupo na laging masaya ang reunion. The other night, nag-reunion ang grupo para sa send off kay Winwyn Marquez na magko-compete sa Reina Hispanoamericana 2017, pa-birthday na rin kay Sef, at party para sa engagement nina Rodjun at Dianne Medina. Kasama sa reunion sina Steven Silva at Mark Zambrano na BF ni Aicelle.

Nagpasalamat si Winwyn sa Tiki group at ibinalitang simula na ang pagboto sa FB page ng Reina Hispanoamericana.

Khalil maaagaw na si Gabbi kay Ruru

Hindi kaya nanghihinayang si Ruru Madrid na sa first self-produced single ni Gabbi Garcia na All I Need, ang involved sa dalaga ay si Khalil Ramos, samantalang siyang ka-love team ay walang partisipasyon?

Si Khalil ang director ng music video ng single na kinunan pa sa Hong Kong. First directorial job ito ni Khalil sa tulong ng Team Limitless. Sa October 23, ang release ng single.

Ang ganda siguro kung susubukan ang tambalan nina Gabbi at Khalil dahil may balita namang paghihiwalayin sina Gabbi at Ruru, pero sa TV lang dahil sila pa rin ang magkatambal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Meant To Beh.

Benjamin hindi pa nadadala si Julie Anne kay Piolo

Malaking bagay na 16 months na ang relasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose dahil pansin namin ay mas open na ang binata na pag-usapan ang girlfriend sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Sabi ni Benjamin, kung libre si Julie Anne sa celebrity screening o premiere night ng horror flick ng OctoArts Films, gusto niya itong isama.

Nabanggit din ni Benjamin na ang kinatatakutan nila ni Julie Anne sa kanilang relasyon ay ang mawa­lan sila ng time na magkita o magkasama. Sa nga­yon, blessed sila na kahit once a week, nagkakasama at pumupunta siya sa bahay ng girlfriend.

Naipakilala na ni Benjamin sa parents niya at ibang family members si Julie Anne, except kay Piolo Pascual.

“Hindi pa sila nagmi-meet ni Kuya PJ, but he knows about us. I told him everything and hopefully, maipakilala ko na sa kanya si Julie. Sina Julie at Inigo Pascual nagkita na sa launch ng cellphone. Inigo sent me their pictures, kasama raw niya ate Julie niya,” kuwento ni Benjamin.

 Anyway, sa November 1 na ang showing ng pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with