^

PSN Showbiz

Gigil Kid na pinasisikat ni Vice nasa hitsura na magmamaldito!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Kim Rodriguez wala sa hitsura na nabuntis!

SEEN: “Bakit ‘di ka magsampa ng kaso o mag-rally para mawala problema mo?” ang sagot ni Luis Manzano sa isang hater na nagsabi na “Am I the only one who hate the I Can See Your Voice PH version? Dami side comments ng celeb judges.”

SEEN: Si Ken Chan ang umawit ng theme song ng This Time I’ll Be Sweeter, ang pelikula nila ni Barbie Forteza. Hit song ng American singer na si Angelina Bofill noong 1978 ang This Time I’ll Be Sweeter. Hindi pa isinisilang sina Ken at Barbie nang sumikat ang kanta ni Bofill.

SCENE: Sa una lang nakakatuwa si Carlo Mendoza, ang Gigil Kid na dalawang beses nang binibigyan ni Vice Ganda ng exposure sa Gandang Gabi Vice. May sawa factor ang bata na may tendency na maging pasaway tulad ng pagpipilit niya na tanggalin ang wig na suot ni Vice Ganda.

SEEN: Mataas ang rating ng Magpakailanman noong Sabado dahil marami ang sumubaybay sa life story ni Emily Baclao na ginampanan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas.

SCENE: Inilabas na ng Star Cinema ang teaser ng The Revenger Squad, ang official entry nila sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF). Mga bida sa The Revenger Squad sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at Daniel Padilla bilang mga superhero.

SEEN: Seksing-seksi si Kim Rodriguez sa presscon kahapon ng This Time I’ll Be Sweeter. Walang-wala sa hitsura ni Kim na nagbuntis ito, ang fake news na ibinintang sa kanya, ilang buwan na ang nakararaan.

SCENE: Walang drama o iyakan ang huling interview ni Korina Sanchez kay Tony Calvento, limang araw bago ito pumanaw noong October 9, 2017. Inilahad lamang ni Korina sa Rated K noong Linggo ang mga saloobin ni Calvento na tumanggi nang ipagamot ang sakit na stage 4 irreversible pancreatic cancer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with