PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nadine hindi inirerespeto ng sariling fans

SEEN: Walang respeto kay Nadine Lustre at sa pamilya nito ang fans niya na nagkukuwento tungkol sa mga detalye at paraan ng pagkamatay ng kanyang kapatid na si Isaiah. Hindi iginalang ng maepal na fans ang pagluluksa ng Lustre family.

SCENE: Mag-focus muna sa pagluluksa, magbakasyon sa social media posting at huwag nang intindihin ang mga basher ang dapat gawin ni Nadine Lustre para mabawasan ang stress na nararamdaman niya.

SEEN: Ipinagdasal muna ang kapayapaan ng kaluluwa ng direktor na si Emmanuel Borlaza bago nagsimula kahapon ang presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted ng Octoarts Films. Heart attack ang ikinamatay kahapon ng veteran movie director.

SCENE: May “ghost bride” sa presscon kahapon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted na tila patama sa Ghost Bride, ang pelikula ng Star Cinema na katapat ng Octoarts Films movie sa November 1.

SEEN: Maraming nakakatakot na karanasan sa lumang bahay nila ang kuwento ni Maxine Medina sa presscon ng Spirit of the Glass 2:The Haunted pero wala siyang sinabi kahit isa.

SCENE: Bukas ang meet-and-greet sa SM Valenzuela at Star Mall Bulacan ng cast ng This Time I’ll Be Sweeter, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Ken Chan at Barbie Forteza.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Sa November 8 ang playdate ng This Time I’ll Be Sweeter at kasabay nito ang 12, ang love story movie nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla.

SCENE: “There was never an us. It’s we”, ang sagot ni Jay Sonza sa mga nag-comment tungkol sa dating relasyon nila ni Mel Tiangco.

SEEN: Nadagdagan ang Facebook followers ni Jay Sonza dahil sa revealing blind item niya na buntis ang kanyang favorite niece na si “Elena” na pinaghihinalaan na si Ellen Adarna.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: