PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ibinuko ng ‘Tito’, Ellen buntis na?!

Hindi shocking ang tsismis na buntis si Ellen Adarna courtesy of John Lloyd Cruz dahil may relasyon sila at nasa legal age na para bumuo ng pamilya.

Bago pa nagbakasyon ang dalawa sa ibang bansa, may tsismis na preggy si Ellen pero walang direct confirmation admission mula sa kampo nila.

Nabuhay uli ang tsismis na on the family way ang sexy star dahil sa Facebook post ni Papa Jay Sonza na blind item pero may mga haka-haka na si Ellen ang tinutukoy.

Kahit nasa Busan kami, mabilis na nakarating sa amin ang balita tungkol sa pasabog ni Papa Jay.

Tulad ng sinabi ko, hindi shocking ang balita dahil mga adult na sina Ellen at John Lloyd.

Pero in all fairness kay Papa Jay, wala siyang kinumpirma na si Ellen ang niece na tinutukoy niya sa blind item na pinagpipistahan ng mga tsismoso at tsismosa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Malay natin, malakas ang loob ni Papa Jay na i-share ang news dahil ibang Elena ang subject niya, hindi si Ellen Adarna kaya hindi pa rin siya mapagbibintangan na nagkakalat ng fake news.

Hindi lahat eh social media friends ni Papa Jay at para sa kapakanan ng dear readers ng PSN, may-I-share ko sa inyo ang blind item ng dating host ng popular television show na Mel & Jay.

May pamagat na Hindi Ito Breaking News ang juicy blind item ni Papa Jay na favorite niece ang tawag sa kanyang pamangkin na si “Elena.”

“Katatapos ko lang makipag-chat sa aking favorite “niece” na nasa abroad at namamasyal at nagpapahinga.

Niece: Tito Jaaay! kumusta ka na, sorry po hindi na ako nakapagpaalam na bibiyahe ako. lam muna daming tsismoso. 

Ako: Hhello baby. nice to hear from you. kumusta na?

Niece : Ok lang tito. heto, malapit ka nang maging lolo.

Ako: Ha? You’re my pulling leg. WTF. Are you serious?

Niece : Opo tito. Sabi mo sa akin, blessings ang ganito di ba kaya bless ako. Hahahahaha.

Ako : Bata ka talaga oo.Nnasan ka ba ngayon?

Niece : ............

Niece : Di ba sabi mo sa akin, pag gusto kong mamahinga at mamasyal ay puntahan ko ang Saint Tropez, Nice, Morocco or Venice, Am here tito. Di ba dito rin kayo namasyal ng kayo pa ni Tita M...?

Ako : Pssst. Loko ka, nanahimik na ang tyang mo. Huwag munang ungkatin pa iyon. Teka muna, sinong kasama mo?

Niece : Siyempre tito, ang akong luv.’Yong pinakilala ko sa’yo lately. Siya. Siya na yon.

Ako : Good. Happy ka naman sa kanya?

Niece : Opo. 

Ako : Siya ba, happy ba siya nimo day?

Niece : Happy kaayo tito. We’re even happier now.

Ako : Is that for real? For good?

Niece : ........

Niece : Yes tito. sure na sure.

Ako : Ok then. kung happy ka, happy na sab ko.

Niece : Opo tito. busy po ba ikaw?

Ako : Why do you ask?

Niece : Wala lang. baka gusto mo lang puntahan kami dito. You know, nag-propose na kasi siya. yeheey so happy.

Ako : Wow. lipay kaayo day para nimo.

Niece: ........

Niece : ...........

Ako : Hoy, Elena. Hoy bakit di ka sumasagot? Pambihirang bata ito oo. Nawala na siya. ang dami ko pa sanang itatanong sa kanya eh. Nakupo nandiyan pala kayo. Sorry ha, I just got carried away with the good news from ‘niece’.”

O ‘di ba, nakakaintriga ang revelation ni Papa Jay na very credible kaya hindi pinagdududahan na imbento lang ang blind item niya. Malalaman din naman natin ang the truth and nothing but sa mga susunod na araw dahil walang lihim sa showbiz na hindi nabubunyag.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: