PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Solusyon sa online piracy at tulong na pondo tinututukan sa Asian Film Market!

Liza Diño

How to protect your films in the digital age?

Ito ang isa sa tatalakayin sa gaganaping Asian Film Market na bahagi ng Busan Film Festival mula October 14 to 17 dito sa Busan, South Korea.

Isa sa lumalalang problema ng industriya hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide ang online film piracy.

Ang mga local film lang natin, kapapalabas pa lang pero makalipas ang ilang araw nagkalat na sa mga social media platforms. At klaro na ang copy, may subtitles pa.

Magkakaroon ng Case Study and Panel Discussion sa Sabado.

Gaganapin din ang Copyright Forum.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang Copyright Overseas Promotion Association (COA) ang nangunguna sa nasabing discussion.

 “Film piracy has portrayed online piracy as a major threat. COA invites a group of knowledgeable industry veterans in the copyright field so that they can share practical information and ideas to film industry professionals whose films need to be valued and protected properly. In respect of achieving sustainable solutions for online piracy, the Forum will also review current practices on copyright infringement and remedies relates to cinema under the copyright framework.

“The Forum will serve as an opportunity to improve awareness within the film industry, as well as the support flexible, fair and workable approaches to reduce the illicit and illegal acts of online piracy that disrupt the digital ecosystem for the global film industry,” ang masusing pag-uusapan sa nasabing Forum.

Isa pang importanteng pag-uusapan ay ang Film Fund Talk na gaganapin naman sa October 17. “The Film Fund Talk will introduce leading film funds to producers from all over the world. Panelists who are key decision makers in major film funds will each present the method and range of support offered by the funds, while cove­ring the budget distributed per project. The Film Fund Talk aims to provide practical information to producers who are in need of financing and support for their productions,” magpo-focus ang mga panelist na galing sa iba’t ibang bansa.

Pinangungunahan ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair and CEO Liza Diño ang Philippine delegation dito sa BIFF 2017 at tiyak marami silang makukuhang kaalaman para maibahagi sa mga film producer natin na hindi makakadalo kung paano malalabanan ang ganitong klase ng lumalalang problema ng industriya at kung paano mabibigyan ng tulong ang mga producer na kapos sa budget para mas mapaganda pa ang kanilang mga proyekto.

Kawawa ang maliliit na producer na sumusugal sa pelikula pero hindi nakakabalik ang mga puhunan dahil sa social media na lang naghihintay ang ibang panoorin ‘yun.

Habang ang ibang producer ay hindi lubusang napapaganda pa ang pelikula dahil sa kakapusan ng panggastos.

Kaya importante rin na nakakadalo ang mga katulad ni Chair Liza at ibang nagmamalasakit sa industriya upang magkaroon ng bagong kaalaman sa mga nangyayari sa film industry at hindi tayo magpag-iwanan ng tuluyan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: