^

PSN Showbiz

Iza kinagat muna ang singsing bago tinanggap ang alok na kasal ng bf!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Iza kinagat muna ang singsing bago tinanggap ang alok na kasal ng bf!

Ben Wintle at Iza Calzado

MANILA, Philippines — Engaged na si Iza Calzado sa long time boyfriend niyang si Ben Wintle. Umoo na si Iza nang alukin siya ng boyfriend ng kasal base sa video na uploaded ng kanyang ma­nager na si Noel Ferrer kahapon sa social media.

Obvious na walang idea si Iza dahil nagtanggal pa siya ng jacket at wala raw siyang lipstick. At umuubo-ubo pa ang aktres nang lumuhod ang karelasyong Briton.

Pero nagawa pa ng aktres na i-check kung hindi peke ang singsing na ibinigay sa kanya at isusuot sa kanyang daliri. Nagbiro siya na kunwari’y kinagat at sina­bing “it’s real.” Na ikinatawa ng mga nasa paligid nilang mga kaibigan na saksi sa alok na kasal ni Ben sa magaling na aktres.

Umiyak ang aktres at nagyakapan sila pero bago tuluyang tinanggap ang alok ay sinabi niya muna ritong “Oh no, wait, I have a condition. As long as you shower every night before going to bed! Yay!” 

Wala pang ibinibigay na detalye ang magkarelasyon kung kailan magaganap ang kasalan.

Atom Araullo

Atom sumisid pagbalik ng GMA!

Ayaw munang magpaka-actor ni Atom Araullo.

Sa kanyang pagbabalik sa GMA, isang dokumentaryo ang kanyang ginawa.

Isang natatanging paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa Luzon, Visayas, at Mindanao, pinamagatang Philippine Seas.

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamayamang karagatan sa buong mundo. Dito matatagpuan ang ilan sa mga natatanging marine species at coral reefs. Marami sa ating mga kababayan, sa karagatan pa rin patuloy na umaasa. Subalit ang yamang ito ng bansa, nahaharap ngayon sa iba’t ibang mga banta. 
Bumisita si Atom sa mga karagatan ng Visayas para siyasatin ang kasalukuyang kalagayan ng mga dolphin sa Bais, Negros Oriental na dating pinaghuhuli at pinagpapatay subalit naging pangunahing atraksyon na ngayon ng probinsya. 

Ang world-class na sardine run sa Moalboal, Cebu, kung saan maaaring mag-dive kapiling ang libu-libong sardinas, nanganganib naman daw dahil sa mga inaanod na basura mula sa mga turista. 

At walong taon matapos ipasara, kumusta na rin ba ang Mantalip Reef sa Tanon Strait na sinira dati ng dynamite fishing?

 Samantala, malaking bahagi raw ng P160-M halaga ng mga napo-poach na marine animals tulad ng pating at pawikan dito sa Pilipinas, nagmumula sa mala-paraisong isla ng Palawan sa Luzon. Paano nga ba pinangangalagaan ng Coast Guard Ronda ng Palawan ang kanilang nasasakupan?

Hahanapin din ni Atom ang maalamat at mailap na dugong sa Coron na paborito ring targetin ng illegal poachers pero mahigpit na pinoprotektahan ngayon ng tribu ng Tagbanua.

Papalaot din si Atom sa karagatan ng Sarangani sa Mindanao kasama naman ang mga mangingisda ng tuna. Dito, masasaksihan niya ang buwis-buhay na paraan ng pangingisda ng ilang mga kababayan makahuli lang ng tila pakaunti nang mga higanteng isda. Nakilala ni Atom ang pamilya ng mangingisdang si Samuel na kasalukuyang nakakulong sa Indonesia matapos mahuling ilegal na nangingisda ng tuna sa karagatan ng Indonesia.  Ang misis at bagong silang na sanggol ni Lablab hindi niya ngayon mahagkan dahil siya’y nasa piitan sa ibang bansa.

Ipakikita rin sa espesyal na dokumentaryong ito ang exploration at expedition na ginawa sa ilang bahagi ng 13 milyong ektarya ng Philippine Rise. Hindi lang daw mayaman sa corals at marine species, sinasabi ring potensyal na panggalingan ito ng minerals at natural gas. Tunay nga bang sa yaman ng karagatang ito, maaari raw nitong maiahon ang Pilipinas sa kahirapan?

Samahang maglakbay, pumalaot, at sumisid si Atom kasama ang award-winning team ng GMA Public Affairs sa isang malalimang pagtalakay sa estado ng ating karagatan.

Panoorin ang Philippine Seas sa November 5, 3:30 p.m. sa GMA 7.                                                                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with