^

PSN Showbiz

NanayCon dadayo sa Iloilo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibisitahin ang mga nanay sa Iloilo ngayong Lunes ng kinagigiliwang pang-umagang programa ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda (UKG) para sa ikatlong Nanay Convention (NanayCon).

Magpapatuloy ang selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng programa sa Iloilo Convention Center kasama ang UKG family sa pangunguna nina Anthony Taberna, Jorge Carino, Ariel Ureta, Winnie Cordero, at Robi Domingo para sa isang araw na puno ng bagong kaalaman kung paano pangalagaan at protektahan ang pamilya. Makakasama rin dito ang UKG heartthrob na si Marlo Mortel.

Sisimulan ang pagtitipon ng daan-daang nanay sa pag-eehersisyo, kasunod ang mga cooking demo at pagbibigay ng tips sa pagpapatakbo ng tahanan. May mga palaro at pa-raffle rin para sa mga kalahok, kasama pa ang libreng facial, pagupit, at masahe sa tulong ng mga sponsor at partner na organisasyon ng UKG.

Makakakuha rin ang mga dadalo ng UKG Nanay Manual na nagsisilbing gabay sa lalong pagpapaganda ng uma­ga ng pamilya ng ABS-CBN Publishing, Inc.

Tutulak din ang UKG sa Hong Kong kasama ang ibang prog­rama sa ABS-CBN para sa isang ma­la­wakang public ser­vice event para sa ating overseas workers bago matapos ang taon.

Isa sa mga aabangan dito ang grand finals ng Nanay Kong Kay Ganda, ng UKG na kumikilala sa mga kahanga-hangang ina.

Mapapanood ang Umagang Kay Ganda mula Lunes hanggang Biyernes mula 5 a.m. hanggang 8 a.m. sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with