^

PSN Showbiz

Anne tuluyang ‘nabaliw’ sa Korean actor

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne tuluyang �nabaliw� sa Korean actor

Nam Joo Hyuk at Anne

 

MANILA, Philippines — Faney na faney si Anne Curtis sa Korean actor na si Nam Joo Hyuk na nagkaroon ng fan meeting/concert sa Kia Theater nung isang gabi.

Nanood talaga si Anne na naka-Korean get up at super tili habang nakikinig sa mga kanta ng actor na bida sa Weightlifting Fairy na kakatapos lang ipalabas sa ABS-CBN.

Hindi lang ‘yun, nagpa-picture pa siya sa kay Nam Joo Hyuk na kung tutuusin ay mas sikat pa si Anne kung achievements at number of followers ang pag-uusapan.

Anyway, nakakaintindi na kaya ng Korean language ang actress-TV host na malapit nang ikasal?

Sa Korean actor na si Gong Yoo ng Goblin unang nabaliw si Anne hanggang lamunin na siya ng pagkaadik sa mga Korean drama. Magka-level sila actually ni Nay Lolit Solis na paulit-ulit na pinapanood ang mga paboritong K drama.

Nauna nang nabanggit ng big boss ng Viva na may gagawing movie si Anne with Korean actor na hindi pa niya kinu-confirm kung sino.

Bahay ng aktres, makalat at gulu-gulo

Ang messy sa bahay ng isang sexy actress na karelasyon ngayon ng isang sikat na actor.

Kitang-kitang sa kanyang Instagram story kung gaano kagulo ang kanyang bahay.

Ewww. Maganda ka nga at sexy kung magulo naman ang kapaligiran mo, nakaka-turn off pa rin.

Ellen at John Lloyd

John Lloyd iniba ni Ellen ang buhay

Wala nang itinatago sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.

Lantaran na ang kanilang ‘relasyon’ na hindi nila inaamin.

Sa IG sila naghahasik ng kanilang ka-sweetan.

Nung Sabado ng gabi ay nag-chess naman sila. Ipinakita rin nina Ellen ang bagong hairstyle ng actor na hanggang ngayon daw ay hindi nire-renew ang kontrata ng ABS-CBN. Meron pa silang kuha na magkahawak-kamay sa tabing dagat.

May mga nagdududang baka preggy na si Ellen dahil matagal na raw nitong sinasabi na gusto na talaga niyang magkaanak.

Little Big Shots kinapupulutan ng aral at inspirasyon

Sa pagpapamalas ng talento at talino ng mga bata sa programang Little Big Shots, linggu-linggo rin nitong ibinabahagi ang kahalagahan ng dedikasyon at ipinapakita ang mga kwento na nagbibigay-inspirasyon sa mga manonood.

“Lagi kong sinasabi sa kanila, magic is an art. Kailangan lang protektahan mo kasi ‘pag wala kang pagmamahal sa craft mo, walang mangyayari,” paglalahad ni Melbourne, tatay ng siyam na anyos na magician na si Kyla. “Kailangan mahalin mo siya para ‘pag pinerform mo siya sa mga tao, mas ma-enjoy mo talaga. Saka papraktisin mo talaga para perfect na perfect ‘pag inilabas sa mga tao,” dagdag pa niya.

Bukod pa sa pagtuturo ng kasipagan at pagmamahal sa napiling propesyon, tampok din ang mga magulang sa programa upang ipakitang mahalaga ang pagbibigay ng suporta sa mga anak sa kanilang ambisyon.

“Ipagpatuloy niya lang ang pangarap niya, nandito kami laging sumusuporta sa kanya,” pahayag naman ng nanay ng biker na si John-John.

Nagbahagi rin ng payo si Wanlu, ang tatay ng marionettist na si Eli, para sa mga kagaya niyang magulang na may anak na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD): “Tiwala lang sa Diyos and suportahan lang natin ang gusto nila, ang palagay natin ‘dun sila interesado. Subukan niyo lang hanapin ang natatago nilang talento.”

Nakakaantig naman ng puso ang ilang mga tagpo sa palabas sa pagitan ng mga bata at ng kanilang mga magulang. Kabilang sa mga ito ang episode kung saan nagpasalamat si Glen sa anak na si Jane, isang 13 taong gulang na hulahoop dancer, para sa pagtulong nitong mapaaral ang kanyang mga kapatid sa tulong ng premyong napapanalunan sa mga kumpetisyon.

Marami ring naiyak sa pagbisita ng buong pamilya ng headspinner na si Marky. Dahil sa hirap ng buhay, nangako siya at kanyang mga kapatid na tutulungan ang mga magulang na makaahon sa pama­magitan ng kanilang talent sa paghe-headspin.

Kaya naman ayon sa datos mula sa Kantar Media, waging-wagi ito sa kalaban. Noong Linggo naman (Sept. 17), nakakuha ang Little Big Shots ng 34.6%, samantalang mayroon namang 17.8% ang  All Star Videoke.                                                         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with