^

PSN Showbiz

Jinkee hibang na hibang din sa K drama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa

Faney din pala ni Song Joong-Ki si Janice de Belen at matindi rin ang paghanga niya sa favorite Korean actor ko dahil ang picture ni Song Joong-Ki ang wallpaper ng cellphone niya.

Koreanovela addict si Janice dahil ang panonood ng mga Koreanovela ang bisyo niya kapag hindi pa kinukunan ang kanyang mga eksena sa My Korean Jagiya.

Naimpluwensyahan na ni Janice ang kanyang co-star na si Ricky Davao na nahilig na rin sa panonood ng mga Korean television series at pelikula.

Bagong recruit si Jinkee Pacquiao na  hibang na hibang  din sa mga Koreanovela.

Nang magkausap kami ni Jinkee sa cellphone, ikinuwento  ko sa kanya si Jo In-Sung kaya malamang na dalawa na kami sa mga mahuhumaling sa Korean actor na ipinalit ko kay Song Joong-Ki na mag-aasawa na sa October.

Sikat sa South Korea si Senator Papa Manny Pacquiao. Malaki ang tsansa na ma-meet nang personal ni Jinkee ang mga Korean actor na favorite niya.

Korean actor na si Nam Joo Hyuk pinagkaguluhan kahit naka-mask

Sorry, hindi ko pa kilala si Nam Joo Hyuk, ang Korean actor na dumating kahapon sa Pilipinas para sa show niya kagabi sa Kia Theater.

Naka-disguise si Nam Joo Hyuk nang dumating dahil may suot siya na face mask pero kahit may takip ang kanyang mukha, nakilala pa rin siya ng Pinoy fans.

Sikat na sikat din pala sa mga Pilipino si Nam Joo Hyuk kaya siguradong malalaman ko sa mga susunod na araw ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

Ang pamangkin ni Papa Ricky Lo na si Kim Lee ang isa sa mga nakipagsiksikan kagabi sa Kia Theater sa private stage ni Nam Joo Hyuk.

Sa ngayon, umiikot pa ang mundo ko kina Song Joong-Ki at Jo In-Sung dahil sila ang mga inspirasyon ko at nagpapasaya sa mga kagaya ko na senior citizen.

Fans pinaghahandaan na ang CNBlue

Sunud-sunod na naman ang pagbisita sa Pilipinas ng mga Korean artist.

After Nam Joo Hyuk, ang grupo ng  CNBlue ang darating sa Maynila para sa concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa December 9, 2017.

Sikat na Korean rock pop band ang CNBlue kaya popular na popular din sila sa Pinoy fans na ngayon pa lang, pinag-iipunan na ang datung na ibibili nila ng tickets para sa kanilang pinakahihintay na concert.

Xander Lee hindi malimot ang mga ipinatikim nina Heart at Papa Chiz

Saba chips ang tsitsirya na gustong-gusto ni Alexander Lee, ang Korean actor na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

First time ni Alexander na makatikim ng saba chips, courtesy of Heart and Senator Francis Escudero.

Aliw na aliw si Alexander sa lasa ng saba chips dahil sarap na sarap siya.

Sobrang thankful ni Alexander sa Escudero couple na panay ang patikim sa kanya ng masasarap na pagkain.

Hanggang ngayon, ikinukuwento ni Alexander sa mga nakakausap niya ang mga seafood at laing na inihanda nina Heart at Papa Chiz nang magpunta siya sa Bicol.

Inimbitahan ng mag-asawa si Alexander at ang ibang cast ng My Korean Jagiya na bumisita sa bahay nila sa Sorsogon pagkatapos ng kanilang mall show sa Naga para sa Peñafrancia Festival.

Nabusog nang todo sina Alexander at Edgar Allan Guzman sa sangkatutak na pagkain na ipinaluto nina Heart at Papa Chiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with