PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kapamilya shows bumida sa ASEAN-Japan TV festival

MANILA, Philippines — Binida ng ABS-CBN ang fantasy-action series nito na La Luna Sangre sa isang espesyal na screening para sa mga delegado ng ASEAN-Japan Television Festival na ginanap kamakailan dito sa bansa.

Isa ang La Luna Sangre sa pinakapinapanood at pinakapinag-uusapang teleserye ngayon kaya naman buong pagmamalaki itong ipinakita ng Kapa­milya Network sa ASEAN at Japanese counterparts nito at ihinilera sa kani-kanilang mga gawang programa.

Ibinandera din ang La Luna Sangre kasama ang iba pang teleserye na Pusong Ligaw at Wildlflower at blockbuster movies na Finally Found Someone at Love You to the Stars and Back, sa content buyers na dumalo sa ginawang ASEAN-Japan content market.

Lumahok din ang ABS-CBN, na kinatawan ni business unit head at direktor na si Ruel Bayani, sa isang one-day workshop tungkol sa content at produksiyon na nagbigay ng market overview sa ASEAN countries at Japan, at tumalakay sa bagong trends sa pagbuo ng program at, co-productions, new media, at pati mga hamong kinakaharap kaugnay ng cross-border policies.

Bilang bahagi ng huling araw ng mga de­legado ay pinatuloy ang mga ito ng ABS-CBN sa kanilang broadcast center at studios kung saan binisita nila ang set ng hit noontime show na It’s Showtime at kiddie gag show na Goin Bulilit, nakilala ang producers ng naturang mga programa, at nagkaroon pa ng meet and greet kasama ang Loving in Tandem stars na sina Kisses Delavin, Marco Gallo, Edward Barber, at Maymay Entrata.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: