PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ian naagawan ng titulo si Richard

SEEN: Si Angel Locsin ang nag-suggest noon sa kanyang rumored boyfriend na si Neil Arce na ialok nito sa Star Cinema ang Last Night. Co-producer si Neil ng pelikula na tinatampukan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

SCENE: Kinunan sa Maynila ang lahat ng mga eksena ng Last Night. Mapapanood sa Last Night ang Luneta Hotel, Jones Bridge, at ang ibang mga landmark sa Maynila.

SEEN: Ngumiti lang si Jak Roberto nang tuksuhin siya ni Mother Lily Monteverde tungkol sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza. Nagkita si Jak at ang producer ng Regal Entertainment, Inc. noong Miyerkules sa joint birthday celebration nina Jun Nardo at Dondon Sermino.

SCENE: Bumalik na ng Pilipinas ang plus-size model na si Kat Gumabao matapos rumampa sa New York Fashion Week. Anak ni Dennis Roldan si Kat.

SEEN: Si Empoy Marquez, hindi si Alessandra de Rossi ang nakinabang sa box-office success ng Kita Kita dahil nadagdagan na naman ang mga product endorsement niya.

SCENE: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng A Love to Last, ang primetime drama series ng ABS-CBN na tinatampukan nina Ian Veneracion, Iza Calzado, at Bea Alonzo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Hawak na ni Ian Veneracion ang korona na dating hawak ni Richard Yap sa kategorya ng mga sikat na aktor na 40-plus ang edad. Hindi na masyadong nararamdaman si Richard dahil si Ian na ang bagong pantasya ng mga may edad na kababaihan.

SCENE: Ngongong-ngongo ang pagsasalita ni Anne Curtis dahil sa matinding sipon pero the show must go on kaya napapanood pa rin siya sa It’s Showtime kahit masama ang pakiramdam niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: