PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Komedyante, supplier ng mga naggagandahang babae at guwapong lalaki!

Bukod sa pag-arte ay totoo kayang may sideline ang isang male personality na mas pinagkakakitaan niya nang bonggang-bongga? Totoo kaya na ang itinuturing na niyang sideline ngayon ay ang pag-arte sa telebisyon at ang bago niyang propesyon ang naghahatid sa kanya ng mga biyaya ngayon?

Madalas makita ang male personality na may mga kasamang babae sa mga hotel. Bukod sa sexy na ang mga kasama niya ay magaganda pa. Nag-iisip tuloy ang mga miron na isa na siyang Boogie Wonderland ngayon (read: pimp, bugaw).

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan nga na samahan namin sa casino ang mga balikbayan friends namin, e, nakita rin namin si ____(pangalan ng nagkokomedyang male personality).

“May kasama siyang dalawang babae na head-turner talaga. Hindi mo iiwanan ng tingin ang mga girls, super-ganda at sexy talaga sila, parang meron silang hinihintay.

“Parang mga alaga niya ang mga girls, siya ang parang tagahatid sa mga babae sa kung sinumang ka-eyeball nila, ‘yun na ba ang bago niyang trabaho ngayon?

“Nagkakuwentuhan kami ng isang kaibigan ko, nakita rin daw niya ‘yung male personality sa isang de-primerang hotel. Kumakain siya sa lobby na tatlong girls ang kasama niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nu’ng dumating na ang tatlong guys din, umalis na siya sa table, hindi na siya uli nakita ng friend ko. Magpapa-picture pa naman sana siya du’n sa male personality na napapanood niya sa TV.

“Sabay pa kaming nagkaroon ng idea, halos sabay kaming nagtanungan, ‘yun na ba ang bago niyang trabaho ngayon? Pimp na ba siya? Sideline na lang ba niya ngayon ang pagko-comedy?” kuwento ng aming impormante.

At hindi nakakahon lang sa mga kababaihan ang kanyang mga alaga, nakikita rin ang male personality na ito na may mga kasamang guys na super-hunk ang dating, pati ba mga kalalakihan ay kliyente na rin niya?

“Hindi siya maingat. Ipaglantaran ba ang bago niyang trabaho? Kapag may mga kasama kang magaganda at seksing babae at mga hunk guys, ano ba ang maiisip ng mga taong makikita mo?

“Naku, factory na pala siya ngayon ng mga boys and girls na may matitinding pangangailangan. Kaya naman pala palaging busy ang kanyang phone kahit nasa taping siya!” nakataas ang kilay sa tenth floor na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Fans nina Alden at Maine watak-watak na!

Positibong senyal para kay Alden Richards ang pagtutok sa kanyang mga sinasabi at ginagawa ng mga taong madalas umupak sa kanya sa social media. Magandang pahimakas ‘yun.

Ibig sabihi’y sikat na sikat na nga ang Pambansang Bae para kahit ano lang ang gawin niya ay pinagpipistahan na, binubulabog na siya sa social media, minamarkahan ang mga ginagawa niya.

Mas masakit kung wala na siyang espasyo sa pananaw ng mga tumutuligsa sa kanya, ibig sabihi’y pakupas na ang kulay ng kanyang career, papunta na siya sa pinakadulo ng kanyang propesyon.

Pero hanggang ganyan na palagi siyang pinapansin at inuupakan ay isa lang ang malinaw na dahilan nu’n. Nasa gitna pa rin ng laban si Alden Richards, maningning pa rin ang kanyang bituin, may panahon pa rin sa kanya ang publiko.

Ang nakapagtataka lang ay mukhang nahati na ang kanilang mga tagahanga ni Maine Mendoza. Parang nagkani-kanya na sila ng iidolohin. Meron nang mga maka-Alden lang at nand’yan na rin ang mga maka-Maine lang.

Humihina na ba ang puwersa ng AlDub Nation? Bakit parang sila-sila na ang mga nagkokontrahan ngayon? Napakaraming namba-bash kay Alden kapag hindi si Maine ang kasama niya. Banat kung banat sa kanya ang mga maka-Maine.

‘Yun ang malakas na kapangyarihang nag-angat sa loveteam, milyon ang kanilang mga miyembro, pero ‘yun nga lang. Hindi nagpakitang-gilas sa takilya ang mga tagahanga nila.

Mukhang nakalimot silang magpuntahan sa mga sinehan nang ipalabas ang unang proyekto ng loveteam. Kahit ang kanilang TV show ay hindi nakipaglabanan sa rating.

Nasaan na sila?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: