^

PSN Showbiz

Joshua nakaipon na ng pambili ng bahay ng pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong bahay raw ang nakatakdang bilhin ni Joshua Garcia para sa kanyang pamilya.

Ngayon ay labingsiyam na taong gulang pa lamang ang aktor pero nakaipon na mula sa mga kinita ng mga proyektong nagawa. “Gusto kong bumili ng bahay. Nagtitingin na ako kasi siyempre gusto ko kumportable ang pamilya ko. May mga ilan na akong nakita, may sisilipin ako, sana magustuhan nila. Naikuha ko na sila (mula sa Batangas) kaya lang nasa apartment kami. Hindi gano’n kakumportable. Gusto ko kumportable lang sila, relax lang sila,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Samantala, hindi raw inakala ng baguhang aktor na kikita nang malaki ang pelikula nila ni Julia Barretto na Love You To The Stars and Back. Mahigit P120 million na ang kinita ng nasabing proyekto.

“Hindi namin in-expect kasi akala namin nga target namin P80 million lang. Hindi namin in-expect na mas tumaas pa do’n. Masaya ako na maraming nagtiwala sa pelikula namin. Maraming nagmahal sa pelikula namin at masaya ako para kay direk (Antoinette Jadaone) actually, at para sa amin ni Julia,” pagbabahagi ni Joshua.

Kamakailan ay inamin ng binata na patuloy pa rin ang ginagawa nitong panliligaw kay Julia. Posibleng ang aktres din ang maka-date ni Joshua sa Star Magic Ball na gaganapin sa September 30.

“Actually, hindi ko pa siya nai-invite. Sa ngayon si Julia hindi ko pa siya natatanong pero hopefully, sana matanong ko na siya,” pagtatapos ng binata.

Joross napabilib sa ginagawa ng Kathniel

Malaki ang pasasalamat ni Joross Gamboa dahil maganda ang karakter na naibigay sa kanya sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon kay Joross ay kaabang-abang ang bawat eksenang kanilang ginagawa para sa mga manonood. “Magkakaroon ulit ng Great War. Isang matinding giyera so isang matinding aksyunan ulit, dapat abangan,” bungad ni Joross.

Hangang-hanga raw ang aktor sa pagiging propesyonal ng KathNiel sa trabaho. “Sobrang saya, sobrang down to earth ‘yung dalawang bata, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sobrang galing umarte parehas at walang ere, magaan katrabaho, free-flowing ang atmosphere sa set namin at walang pasaway,” paglalarawan ni Joross.

May ilang mga karakter nang nawala sa serye at aminado ang aktor na nalulungkot siya sa tuwing may natatanggal sa kanilang grupo. “Malungkot siyempre kasi may bonding na eh. Kami naman pare-parehas naman kami nagtatrabaho. Ang importante magkakaibigan pa din kahit hindi na magkakatrabaho. Medyo masakit ‘yon para sa audience pero may papasok ulit na mga bago, so continuous cycle ito. Pero siyempre may surprise palagi,” nakangiting pahayag ni Joross.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with