^

PSN Showbiz

Alden ikinukumpara ang ugali kay Piolo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sa September 27 na pala ang playdate ng Last Night, ang pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Co-producer si Piolo ng Last Night at wish ko na suportahan ng moviegoers ang pelikula niya.

Mabait na tao si Piolo at na-prove ko uli ito nang magkita kami sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Very accommodating si Piolo sa fans at sa mga guest na forever ang pagpapakuha ng litrato na kasama siya.

Pareho sila ni Alden Richards na in demand sa mga photo op pero hindi ko sila narinig na nagreklamo as in pinagbigyan nila ang mga request sa kanila.

Ikinukumpara si Alden kay Piolo dahil sa kanilang mga wholesome image at tunay na role model ng mga kabataan.

Ibang-iba sila sa mga artista na mabait sa harap ng mga kamera pero nuknukan ng maldito sa private moments nila.

Suportahan natin ang Last Night para madagdagan pa ang mga project ni Piolo at sipagin pa siya na mag-produce ng mga pelikula para marami ang mabigyan ng work sa movie industry.

AiAi at Bossing binigyan ng sidekick sa game show!

May mga sidekick sina AiAi delas Alas at Vic Sotto sa Bossing and Ai, ang bagong game show nila na mapapanood sa September 24 sa GMA 7 ang pilot episode.

Sidekick ni Bossing si Jose Manalo at kanang-kamay naman ni AiAi si Tart Carlos.

Palaisipan pa sa televiewers ang format ng Bossing and Ai pero may mga kakampi sila na makakasama sa pakikipagtagisan nila ng galing sa iba’t ibang game segments.

Ibang level ng kulitan ang dapat abangan sa Bossing and Ai dahil matapang ito na game show na punumpuno ng katatawanan ang kanilang mga patalbugan.

“Mas makikita sa Bossing and Ai ang mga biruan at paligsahan namin ni Bossing. Kailangang abangan ng televiewers kung sino sa amin ni Bossing ang mas witty,” ang pralala ng Comedy Queen.

Hindi magpapatalo si Bossing kay AiAi dahil matagal na ang friendship nila.

“Kabisado ko na siya, kaya mas dapat siyang maghanda,” ang palaban na sabi at hamon ni Bossing kay AiAi.

Si Jose ang permanent sidekick ni Bossing at si Tart ang kaalyado ni AiAi.

Ka-join sa Bossing and Ai si Oyo Sotto bilang game master. Si Oyo ang in-charge sa mga laro at siya ang magbibigay ng parusa sa mga loser.

Si Teri Onor ang contestant sa pilot telecast ng Bossing and Ai.

Jose walang kapaguran sa raket

Hindi lang ang Bossing and Ai ang bagong television program ni Jose Manalo dahil host din siya ng coming soon morning talk show ng GMA 7.

Makakasama ni Jose sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa talk show na mapapanood bago ang Eat Bulaga.

Ang sipag-sipag ni Jose dahil kahit Monday to Sunday ang mga television show niya sa Kapuso Network, may panahon pa siya na mag-show sa Zirkoh, ang sing-along bar ni Allan K. sa Quezon City.

Milyonaryo na si Jose dahil sa rami ng mga raket niya sa TV, pelikula at mga out-of-town show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with