^

PSN Showbiz

Ian at Iza huling naghahalikan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na susubukin hanggang sa huli ang pagmamahalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa huling tatlong gabi ng A Love to Last.

Desperada na nga si Grace (Iza Calzado) na muling mabawi si Anton, kaya naman matapos magtagumpay sa plano niyang makasama sa Hong Kong ang dating asawa ay hindi pa rin niya ito tinantanan hanggang umuwi sila ng Maynila. Hindi naman inaasahang mahuhuli ni Andeng na magkikita ang da­lawa na naging dahilan para mas lumaki pa ang hindi nila pagkakaunawaan ng kabiyak.

Sa pag-alis muli ni Anton papuntang Hong Kong, matatauhan naman si Andeng at susundan ito para makipag-ayos. Ngunit sa kanyang pagdating, siya pala ang masosorpresa nang makita niya sina Anton at Grace na magkahalikan.

Tuluyan na kayang sumuko si Andeng sa laban?

Huwag palalampasin ang huling tatlong gabi ng A Love to Last, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng La Luna Sangre, sa Primetime Bida ng ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky ch.167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with