^

PSN Showbiz

Fil-Am malakas ang laban sa America’s Got Talent

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Standing ovation ang ibinigay kay Angelica Hale sa finals live show ng America’s Got Talent. Ang Symphony ang inawit ng young Filipina-American singer.

SCENE: Ang mga kababayan niya sa Laguna at loyal supporters ng kanyang ama ang mga dumalo sa premiere screening noong Martes ng Amalanhig, ang launching movie ni Jerico Estregan, ang anak ni ex-Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Ejercito.

SEEN: Pang-Mahal na Araw ang kuwento ng Amalanhig, ang pelikula nina Jerico Estregan at Sanya Lopez na kahapon ang unang araw sa mga sinehan.

SCENE: Ang morning talk show nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros ang ipapalit sa TROPS, ang pre-programming ng Eat Bulaga. In character ang tatlo bilang mga lola sa kanilang morning talk show na hindi pa sinasabi ang final title.

SEEN: May last song syndrome ang Bastelicious dahil sa araw-araw na pagpapatugtog nito sa Eat Bulaga. Ang Bastelicious ang unang single ng child star na si Baste.

SCENE: Nagpapasalamat sa GMA 7 ang nanay ng Korean actor na si Alexander Lee dahil nagkaroon ng acting career sa Pilipinas ang anak niya. Si Alexander ang kapareha ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

SEEN: Paborito ni Mrs. Ligaya Salonga si President Rodrigo Duterte na madalas na topic sa social media posts and rants ng kanyang anak na si Lea Salonga.

SCENE: Maiksi pa ang buhok ni Camille Prats at bata pa si Bugoy Cariño sa mga eksena nila sa black and white movie na Alyas Ben Tumbling na nagsimula ang shooting noong 2012 pero hindi pa masyadong tapos ang pelikula.

SEEN: May special participation sa The Good Son ng ABS-CBN si Albert Martinez bilang ama ni Joshua Garcia at lalaki na pinag-aagawan ng mga karakter nina Eula Valdes at Mylene Dizon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with