^

PSN Showbiz

Piolo may parinig kay Shaina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa September 30 na gaganapin ang taunang Star Magic Ball sa isang hotel sa Makati.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw sigurado si Piolo Pascual kung sino ang kanyang makaka-date sa gabing iyon. “Hindi ko alam eh. I’ll cross the bridge when I get there,” natatawang bungad ni Piolo. Nasanay na ang aktor na si Shaina Magdayao ang kanyang date sa nasabing event sa mga nagdaang taon.

Noong Linggo lamang ay tinanong ng anak na si Inigo Pascual si Maris Racal sa ASAP kung maaaring maka-date ng baguhang aktor ang dalaga para sa ball. Agad namang  nagkumpirma ang aktres kay Inigo. “Buti pa ‘yung anak ko (Inigo) may date na. No, but if there’s anyone naman, Shaina and I have been going there not just as a couple or even together but we always end up looking for each other. It’s become a yearly tradition,” makahulugang pahayag ni Piolo.

Kung wala pa ring escort si Shaina sa ngayon ay posibleng silang dalawang muli ang magkapareha para sa nalalapit na Star Magic Ball. “With due respect to her, if she’s not gonna be with anyone, I’ll be there for her,” giit ng aktor.

Kaye palalakihin muna ang magiging anak bago balikan ang showbiz

Sa Cebu na naninirahan si Kaye Abad mula nang mapangasawa si Paul Jake Castillo noong December 2016. Ngayon ay buntis ang aktres kaya hindi pa makabalik sa pag-arte sa harap ng kamera. “Sobrang nami-miss ko nang umarte ulit. ‘Pag nanonood ako ng TV, grabe! Nakaka-miss sobra, hopefully, makabalik ako. Hindi naman ako aalis. Nagkataon lang na after ng wedding nabuntis agad, so blessing,” nakangiting pahayag ni Kaye.

Umaasa ang aktres na muling makakapag-artista pagkatapos niyang manganak. “Ito naman kasi ang priority and gusto ko talaga na magkaroon ng sariling family agad since hindi na ako bata. Hopefully after ‘pag medyo malaki na ‘yung baby, ‘pag pwede nang iwan nang sandali, oo naman bakit hindi? Babalik at babalik din naman ako for sure,” dagdag ni Kaye.

Samantala, sobrang pag-iingat daw ang ginagawa ngayon ng aktres para masigurong maayos ang kalagayan ng kanyang maglilimang buwan nang ipinagbubuntis.

Sa October 8 ay isang party ang gaganapin upang ipaalam sa pamilya at mga kaibigan kung ano ang gender ng anak nina Kaye at Paul Jake. “So far ngayon, kasi siyempre maingat pa rin dapat. Though pwede na akong mag-walking-walking. ‘Yon lang muna pero siyempre careful pa rin,” pagtatapos ni Kaye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with