^

PSN Showbiz

Pagkalulong sa KDrama mas maganda kesa makisawsaw sa katsipan na isyu at balita!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naku ha, OA na ang addiction ko sa panonood ng mga Koreanovela dahil hindi na ako nakapapanood ng mga news program.

Hindi na tuloy ako updated sa current events pero memoryado ko na ang mga dialogue ng mga artista sa mga Koreanovela na pinapanood ko. Unti-unti ko na rin natutunan ang Korean language kaya malapit nang akong maniwala na Korean princess ako noong past life ko.

May nagsabi sa akin na okey raw na nalululong ako sa panonood ng mga Koreanovela para hindi na ako nakikisawsaw sa mga katsipan na isyu na hindi naman ako direktang involved.

Bong pinagkaguluhan sa Sandigan

True na mahirap nang dalawin sa Camp Crame si Bong Revilla, Jr. dahil mahigpit ang mga bantay.

Bago pa lumabas noong Sabado si Jinggoy Estrada, istrikto na talaga ang security sa PNP Custodial Center dahil immediate family members na lang ang pinapayagan na dumalaw sa kanila ni Bong.

Kita n’yo naman, may suot na visitor’s ID si Papa Jinggoy nang bisitahin nito si Bong, isang araw matapos ang paglaya niya noong Sabado dahil bisita na siya, hindi na inmate.

Ang strict security sa PNP Custodial Center ang dahilan kaya pinuntahan ko na lang si Bong sa hearing ng plunder case niya sa Sandiganbayan noong Martes, pagkatapos ng tsikahan portion ni Secretary Martin Andanar sa entertainment press.

Kasama ni Bong sa Sandiganbayan ang kanyang anak na si Jolo.

Poging-pogi si Bong nang magkita kami dahil pumayat siya. Ang feeling ko talaga, nalungkot si Bong sa paglaya ni Papa Jinggoy dahil nag-iisa na lamang siya sa selda niya sa PNP Custodial Center.

Malakas talaga ang karisma ni Bong dahil pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga tao na nakahalubilo niya sa Sandiganbayan.

Jodi hindi pa naayos ang problema kaya ‘di maikasal kay Jolo

Sa tuwing nagkikita kami ni Jolo, hindi puwedeng hindi sumagi sa isip ko ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Boto talaga ako kay Jodi para maging forever ni Jolo. Noong nagkahiwalay sila, nalungkot ako pero deep in my heart, alam ko na magkakabalikan ang dalawa at ito nga ang nangyari.

Bukod sa maaga na paglaya ni Bong, isa sa mga wish ko na ikasal na sina Jolo at Jodi pero mangyayari lamang ito kapag naayos na ang mga dapat ayusin.

At kapag naikasal na sina Jolo at Jodi, sure ako na they will live happily ever after.

Acting award ni Mama Vi personal na dinala sa kanyang opisina

Habang nasa Sandiganbayan kami ni Bong, tinatanggap naman ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang Female Movie Star of the Year Award mula sa editors ng PEP.

Nag-win si Mama Vi dahil sa outstanding performance niya sa pelikulang Everything About Her ng Star Cinema.

Siyempre, malaking karangalan para kay Mama Vi ang acting award na personal na ipinagkaloob sa kanya ng PEP staff na nagpunta sa opisina niya sa House of Representatives.

Ang award na ibinigay ng PEP kay Mama Vi ang reason kaya nag-babu agad si Jun Nardo sa presscon ni Papa Martin Andanar. Kasama sa mga bumisita sa Congress office ni Mama Vi ang PEP Editor-in-Chief na si Jo-Ann Maglipon.

Isa si Mama Vi sa maraming artista na tumanggap at tatanggap ng parangal mula sa award-giving body ng PEP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with