^

PSN Showbiz

PTV4 magiging digital na rin

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
PTV4 magiging digital na rin

Raffy

Mag-a-upgrade na ang government station na PTV4. Gagawin na itong digital. Ito ang isa sa mga nabanggit ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar sa isang intimate tsikahan with the entertainment media.

At oras na maging digital na ito lilinaw na ang signal nito at tiyak na maaabot na ang buong bansa.

Marami na rin silang mga naka-line up na mga bagong programa sa PTV4 at kasama na rito ang programa ni Raffy Tulfo.

Eh paano si PCCO Assistant Sec. Mocha Uson magkakaroon din ba ng show? Ayon kay Sec. Andanar ay hindi pa nila pinag-uusapan sa ngayon. 

Sarah

Fans ni Sarah handang gumastos sa BAMA

Full blast na ang fans ni Sarah Geronimo para sa kanyang nominasyon sa Daf BAMA Music Awards 2017 na gaganapin sa Germany.

Kahapon ay busy ang fans niya sa pagti-tweet at pagsi-share ng link kung paano bumoto.

Suwerte rin si Sarah dahil masisipag ang fans niya handang gumastos para lang maipanalo siya.

Empoy at Alessandra

Matapos tanggihan ang kita… empoy biglang kinontrata ng Star Cinema

May launching movie na rin si Empoy Marquez sa Star Cinema. At ang leading lady niya, ang sexy star na si Ellen Adarna na hot item dahil sa ‘relasyon’ nila ni John Lloyd Cruz.

Na-realize marahil ng Star Cinema after ng pelikulang Kita Kita na kumita ng mahigit P300 million na kaya pa nilang pasikatin si Empoy. Tinanggihan ng Star Cinema na i-release ang Kita Kita, ang pelikulang nagbigay ng box-office star status kina Empoy at Alessandra de Rossi, kaya napunta ito sa Viva Films.

At exclusive contract ang pinirmahan ni Empoy sa Star Cinema.

Nagpalipat-lipat muna ng network ang batang komedyante bago siya pumatok sa pelikulang Kita Kita na si Piolo Pascual ang isa sa mga producer.

Toni tumalon sa Jones bridge!

Alang-alang sa pelikula nilang Last Night ni Piolo Pascual, tumalon pala sa Jones bridge si Toni Gonzaga.

Kinaya raw ng actress ang nasabing eksena samantalang may fear pala ito sa height.

Si Bela Padilla ang nagsulat ng script ng movie na showing na this month.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with