^

PSN Showbiz

Loisa selos na selos kay Julia?!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa selos na selos kay Julia?!

Loisa Anda­lio

Sa Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya network ang teleseryeng The Good Son na pinagbibidahan nina Jo­shua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas at McCoy de Leon. Kasama rin sa nasabing proyekto si Loisa Anda­lio na sinasabing nakatampuhan umano ni Joshua kamakailan.

Ayon kay Loisa ay hindi sila nagpapansinan at nag-uusap ni Joshua sa taping nila. “Hindi naman po nag-uusap pero nagkakaeksena. Doon lang po kami sa eksena nag-uusap. Pero okay po kami, pero wala na lang po kaming dapat pag-usapan po,” makahulugang pahayag ni Loisa.

May kaugnayan diumano kay Julia Barretto ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Ngayon ay si Julia ang bagong nililigawan ni Joshua at nagkasama na rin ang dalawa sa maraming proyekto. Hinihiling ni Loisa na huwag nang ungkatin pa kung ano man ang dahilan ng tampuhan nila ni Joshua. Hanggang maaari ay huwag na rin daw isangkot ang aktres kung ano man ang mayroon kina Joshua at Julia ngayon. “Kasi silang dalawa ni Julia, sanay na ako sa kanila na gan­yan sila na sweet. And lagi ko naman silang nakikita. Siguro po nabibigyan na lang po ng meaning ng mga ibang tao. Kasi first time po nila kaming nakita together na on screen,” paliwanag ni Loisa.

Sam nagsalita sa inggit daw kina Inigo at Darren!

Lumipat na sa pamamahala ng Viva Artists Agency si Sam Concepcion kamakailan. Kahit matagal na sa music industry ay aminado naman ang singer na hindi pa rin siya masyadong maabot ng masa dahil sa kanyang imahe. “Aware naman ako. Siyempre there’s nothing I want more than to be able to embrace them also. Siyempre connection is something that, as an artist, you always work on and at the same time still being true to yourself, who you are, good balance both,” nakangiting pahayag ni Sam.

Sisikapin daw ng binata ngayon na mas ilapit pa ang sarili sa mga tagahanga. “Hindi ko idi-disconnect ‘yung sarili ko sa kanila. At the same time, to be honest, true person. Kaysa I turn myself into something else. Kaysa ibahin ko ‘yung music ko and connect to them differently na hindi innate at natural. I think at the end of the day, if you’re true to yourself, people are attracted to such things,” pagbabahagi ni Sam.

Samantala, itinanggi ng binata ang napababalitang nai-insecure siya sa mga baguhang singer katulad nina Inigo Pascual at Darren Espanto. “Siyempre ASAP wants to support the new and upcoming artists and I’m all for that. They are talented kids, Darren and Inigo are talented guys. I don’t think we should see our peers and other artists as competition. Kasi they bring something else to the industry and I can’t say na we have to stop them from growing or anything like that. Darren is a great vocalist. Inigo has his own style, he’s great,” paliwanag ni Sam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with