^

PSN Showbiz

Vic and AiAi sasabak sa Game Show!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vic and AiAi sasabak sa Game Show!

AiAi delas Alas at Gerald Sibayan

Isang game show pala ang coming soon television program nina AiAi delas Alas at Vic Sotto.

Bossing and Ai ang title ng show na magsisimula sa September 24 at mapapanood sa GMA 7.

“Kakaiba” ang sey ni AiAi tungkol sa bagong game show nila ni Bossing kaya intrigang-intriga ako sa ipinagkaiba ng bagong show nila.

Sure naman na magkakaroon ng presscon para sa Bossing and Ai kaya malalaman nito ang kaibahan ng game show nina AiAi at Bossing sa ibang mga game program.

Magiging busy si AiAi sa mga susunod na araw dahil bukod sa Bossing and Ai, magpo-promote na siya ng Besh and The Beshies, ang pelikula nila nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin at Beauty Gonzalez. To top it all, aligaga na sila ng kanyang fiancée na si Gerald Sibayan sa pag-aasikaso sa kanilang nalalapit na church wedding.

Magkalabang telcom nagkagulo kay Sarah

How true na ipina-delete ng isang telecommunications company ang tweet ng another telecommunications company tungkol kay Sarah Geronimo?

Special guest ang aking favorite singer-actress sa 10th anniversary celebration ng Gabay Guro sa Mall of Asia Arena noong Linggo.

Bago naganap ang event, nag-tweet ang telecommunications company na guest nila si Sarah na hindi pinalampas ng another tele­communications company dahil endorser nila ang Popstar Princess.

Wala naman akong nakikitang conflict. Parang miscommunication lamang ang nangyari dahil umapir si Sarah sa Gabay Guro anniversary show bilang suporta sa mga teacher na isa sa mga tunay na bayani ng bayan.

Jinggoy at Bong tinutupad ang sumpaan

Si Rudy Fernandez ang naalaala ko nang dalawin ni Jinggoy Estrada si Bong Revilla, Jr., isang araw matapos ang paglaya niya mula sa PNP Custodial Center ng Camp Crame noong Sabado.

Nang unang makulong si Papa Jinggoy sa Veterans Memorial Medical Center noong 2001, araw-araw ang pagbisita sa kanya ni Daboy as in walang patlang na pagdalaw sa loob ng dalawang taon.

Hinding-hindi makakalimutan ni Papa Jinggoy ang kabutihan na ipinakita sa kanya ni Daboy noong mga panahon na nahaharap siya sa mabigat na problema.

Kaya sobrang lungkot ni Papa Jinggoy nang pumanaw si Daboy. Nakita ko talaga na apektadong-apektado siya mula nang ma-diagnose na may kanser si Daboy hanggang sumakabilang-buhay ito.

Nakikita ko ngayon kina Papa Jinggoy at Bong ang friendship nina Daboy at Papa Jinggoy. Kung buhay pa si Daboy, siguradong daily visitor siya nina Bong at Papa Jinggoy.

Puwede naman na dumalaw si Papa Jing­goy kay Bong sa ibang araw dahil kailangan niya na magpahinga at marami siya na dapat asikasuhin. Pero isang araw matapos lumaya, si Papa Jinggoy at ang pamilya nito ang mga unang dalaw ni Bong sa PNP Custodial Center noong Linggo.

Sobrang na-appreciate ni Bong ang gesture na ipinakita ng BFF niya kaya nagsalita siya na walang sinuman ang puwedeng makasira sa friendship nila.

Naabutan nina Papa Jinggoy sa selda ni Bong ang misis nito na si Lani Mercado at ang mga anak ng mag-asawa.

Sure ako na nalungkot si Bong sa paglaya ni Papa Jinggoy, not because nakalabas na ito. Nalungkot si Bong dahil mami-miss niya ang araw-araw na pagkikita at pag-uusap nila ni Jinggoy sa loob ng tatlong taon at tatlong buwan. Parang tunay na magkapatid na nga ang turing nila sa isa’t isa dahil sa kanilang daily bonding.

Knowing Papa Jinggoy, tiyak na madalas ang pagdalaw niya kay Bong, lalo pa’t malapit lang naman ang Camp Crame sa bahay nila ni Precy Ejercito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with