PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Janella ayaw nang palalain ang away sa nanay!

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador kamakailan.

Umaasa naman daw si Janella na magkakaayos din sila ng ina sa tamang panahon. “I don’t want to make this thing bigger. Kasi I believe naman malapit na naman maging okay. In God’s time, maaayos siya,” makahulugang pahayag ni Janella.

Posibleng may kinalaman diumano si Elmo Magalona sa naging tampuhan ng mag-ina. Hindi umano boto si Jenine sa aktor para kay Janella. “Hindi naman sa ayaw. I think ang problem lang talaga is mothers are really protective when it comes to their children. So kung sino man lumapit diyan, talagang gusto nila i-make sure na worthy and all. I guess she’s just being a mother and she really wants to get to know him or whoever man,” paliwanag ni Janella.

Para sa dalaga ay normal lamang sa mga mag-ina ang nakararanas ng mga tampuhan at hindi magtatagal ay maaayos rin ang gusot sa pagitan nila. “Eventually, I believe everything is going to be okay naman. Kasi in the end, she’s still my mom,” pagtatapos ng aktres.

Alex walang planong mag-quit sa showbiz

Naging kontrobersyal ang ginawang pagbibiro ni Alex Gonzaga kay Luis Manzano sa katatapos pa lamang na Philippine Movie Press Club awards night for movies kung saan hosts ang dalawa. May kinalaman ito sa Darling of the Press award na nakuha ng aktor  mula sa nasabing award-giving body.

Ikinasama raw ng loob ng miyembro ng PMPC ang mga binitawang salita ni Alex kay Luis noong gabing iyon. “I really meant no harm. Kami ni Kuya Luis, ‘pag nagkikita talaga kami, parang ‘yung pinakamasamang maiisip mo, ‘yun ang affections namin sa isa’t isa. Siguro no’ng nakita ko siya, nawala lang ako sa lugar at nakalimutan ko it was an award show,” paglilinaw ni Alex.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Iginiit ng aktres na malaki ang respeto niya sa PMPC kaya ilang taon na rin siyang nagho-host bilang pagmamahal sa pamunuan nito. “I apologized right away sa ating mga press people. I really love PMPC kasi ilang beses na rin naman akong nakapag-host. Nanalo na rin naman ako ng award and even my sister. Siyempre na-offend sila roon sa nasabi ko. I’m so happy also kasi Kuya Luis was there to help me. Kasi siya rin ang nag-explain sa mga press na it was really a joke and I really meant no harm,” pagbabahagi ni Alex.

Dahil sa pangyayari ay pinatitigil na raw sa pag-aartista ng nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga ang dalaga. “Ang ate ko may point siya na mag-quit na raw ako sa showbiz. Kasi bakit daw gano’n ‘yung mga ano ko (sinasabi). Pero sa akin naman, I’ll just charge it to experience na minsan be careful, pero nangyari na talaga,” giit ni Alex.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: