PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Magandang aktres sawa na sa buhay!

May mga pagkakataong bumabalik-balik pa rin sa alaala ng isang maganda at magaling na aktres ang mga pagdurusang pinagdaanan niya nu’ng batambata pa siya.

Maaga siyang sumalang sa harap ng mga camera. Sa mga panahong naglalaro pa ng manyika ang kanyang mga kaedad ay nagpupuyat na siya sa pagtatrabaho. Hindi niya na-enjoy ang kanyang kabataan.

Sa isang workshop ay pinabayaan siyang magkuwento nang magkuwento ng kanilang tagapamahala, kailangang lumabas ang tunay na emosyon ng aktres, dahil ‘yun ang papel na ibibigay sa kanya ng produksiyon.

Kuwento ng aming source, “Sa workshop pa lang, e, iiyakan mo na siya. Imagine, grabe pala ang mga pinagdaanan niya? Sa napakabata niyang age, e, umaarte na siya, pinaghanapbuhay na ng family nila, pero siya pa ang parang hindi naaalagaan.

“Malayo ang location ng shooting niya, pero ginagamit ng parents niya ang kaisa-isang sasakyan nila, kaya sumasabay na lang siya sa mga crew papunta sa malayong probinsiya.

“Pagkatapos niyang magpuyat at magtrabaho nang maghapon, pag-uwi niya sa bahay nila, e, wala man lang siyang food. Walang laman ang ref nila, walang kahit ano, kaya itinutulog na lang niya ang pagkagutom niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ganu’n katindi ang kuwento niya sa workshop, kaya ang mga co-stars niya, e, iyakan nang iyakan sa mga kuwento niya,” napapailing na sabi ng aming impormante.

Pinakamasayang araw para sa mga artista ang pagdating ng talent fee day. Makukuha na nila ang kanilang pinagpaguran, mabibili na nila ang kanilang gusto, makapagbabayad na sila ng utang.

Patuloy ng aming source, “Palagi siyang malungkot kapag talent fee day na dahil wala na siyang napapakinabangan sa pinaghirapan niya. Kukunin ng mommy niya ang paycheck niya, ipapalit sa bank, hindi na makararating sa kanya ‘yun!

“Nauubos ‘yun nang wala siyang alam kung saan napupunta, mabuti na lang at mababait ang ibang pinsan niya, pinamamanahan siya ng mga damit at sapatos para may magamit siya sa mga pelikulang ginagawa niya.

“Ngayon, masisisi ba natin ang girl na ito kapag minsan, e, parang wala siyang ganang magtrabaho? Para siyang tinatamad, parang wala na siyang ganang mabuhay, matindi kasi ang pinagdaanan niya.

“Mabuti pa nga ang mga pagong at may bahay, pero siya, e, wala. Hindi niya alam kung saan napunta ang mga pinaghirapan niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Aljur pinagwo-workshop ng todo!

Pinatay na ang karakter ni Aljur Abrenica sa Ang Probinsyano. Maigsi lang pero markado ang papel na ginampanan niya sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Marespeto ang ibinigay na pagpapaalam sa kanya ng produksiyon, sa duwelo nila ni Coco Martin tumutok ang serye, panalo ang kanilang mga upakan at talagang binigyan ng moment si Aljur.

Pagkatapos ng kanilang partisipasyon ni Jestoni Alarcon bilang mag-amang nagpapatakbo ng ilegal na quarrying sa Ang Probinsyano ay panay-panay ang pasasalamat ni Aljur kay Coco at sa produksiyon.

Naalala tuloy namin si Arjo Atayde na matagal na kinasuklaman ng manonood ng serye dahil sa pagiging kontrabida. Napakahusay nito, lalong lumutang ang pagiging bida ni Coco dahil sa kanyang kawalanghiyaan, si Jhong Hilario ang pumalit kay Arjo Atayde sa galit ng buong bayan ngayon.

Ayon sa aming source ay may mga susunod nang trabaho si Aljur Abrenica sa ABS-CBN. Mas mahaba na ang kanyang papel at hindi na basta guest lang.

“Pinagwu-workshop na siya, mas matitindi kasing roles ang nakaabang sa kanya. Kailangang-kailangan ‘yun ngayon ni Aljur dahil sa baby nila ni Kylie (Padilla).

“Kailangan niya ng regular na pagkakakitaan dahil sa mga pangangailangan ng anak nila. Suwerte pa rin si Aljur, may sumalo sa kanya,” pahayag ng aming source.

At napatunayan ni Aljur Abrenica na sa tamang paggabay ng produksiyon at wastong proyekto ay may acting naman pala siyang maipakikita.

Hindi naman pala siya napag-iiwanan sa pag-arte, in short, hindi siya hamonadong actor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: