PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dra. Vicki at Hayden nakabalik na mula sa pulot-gata!

Nakabalik na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. mula sa kanilang honeymoon sa Italy.

Natuwa ang mga bagong kasal nang dumating sila sa kanilang bahay somewhere in Makati City dahil sa sorpresa na inihanda ng staff ng Belo Medical.

Ang bilis talaga ng panahon dahil two weeks na ang nakalilipas buhat nang idaos ang grand wedding nila sa Paris, France pero memorized na memorized ko pa rin ang lahat ng ganap, ang cruise sa River Seine at ang bonggang reception sa Palaise Garnier.

Sure ako na ang Belo-Kho Nuptial ang isa sa mga newsmaker ng 2017.

Ginantihan sa kamaldituhan Aktor iniisnab-isnab na ng fans!

Feel na feel ng isang aktor na has-been na ito dahil nararanasan na niya na dedmahin ng fans.

Ang aktor ang dapat sisihin dahil nagsuplado siya sa mga tagahanga na malaki ang kontribusyon sa pagsikat niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naloka ang fans sa harap-harapan na pang-iisnab at pangdededma sa kanila ng aktor kapag nagre-request sila ng photo op.

Nabaliktad na ngayon ang sitwasyon dahil ang fans na ang nang-iisnab sa aktor na nagtataka sa inaasal ng mga tagahanga na dating tumitili kapag nakikita siya.

It’s payback time sa fans na na-hurt sa naging trato sa kanila ng aktor na nabawasan na ang ningning.

James sinugod ang bagyo para kay Sam

Best of friends pala sina Sam Concepcion at James Reid dahil nagpunta ito sa Viva Films office nang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency ang singer/actor.

Sinuong ni James ang masungit na panahon noong Martes para personal na ma-congratulate si Sam sa paglipat nito sa Viva Artists Agency.   

Happy si Sam sa paglipat niya sa kompanya ni Boss Vic del Rosario dahil magkakasama na sila ng kanyang mga kaibigan, si James nga at ang girlfriend nito na si Nadine Lustre.

Siyempre, kagrupo ni Sam ang kanyang real-life girlfriend na si Kiana Valenciano. Hindi na iba ang tu­ring kay Sam ng mga magulang ni Kiana dahil matagal na silang magkakakilala.

Plus size model, Katrina Gumabao humataw sa NYFW

Ang sosyal naman ni Katrina Gumabao, ang anak ni Dennis Roldan at ng former model na si Lollie Imperial.

Rumampa si Katrina sa New York Fashion Week at marami ang gandang-ganda sa kanya, kahit malusog siya.

Confidently beautiful si Katrina na oozing with sex appeal at napakaganda ng mukha na hindi nakapagtataka dahil parehong mga celebrity ang magulang niya.

International plus size model si Katrina na inspirasyon ng mga kababaihan na may weight problems. Nagkaroon ng pag-asa ang healthy women na matutupad din ang dream nila na maging fashion model dahil nagawa ito ni Katrina.

Tapos na ang stint ni Katrina sa New York Fashion Week kaya lumipad na siya sa San Francisco dahil dito nakatira ang mga kamag-anak ng nanay niya.

Kapatid si Katrina ng volleyball player na si Michele Gumabao at ng aktor na si Marco Gumabao.

Sikat na model si Lollie noong kapanahunan niya at obvious na nagmana sa kanya si Kat. Malaki ang chance ni Kat na pumasok din sa showbiz dahil contract star na siya ng Viva Artists Agency, tulad nina Michele at Marco.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: