PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Heart tuloy ang pagpapaampon ng aso’t pusa

Heart Evangelista

#AdoptDontShop

Ito ang kampanya ni Heart Evangelista sa mga gustong mag-alaga ng hayop particular na ng aso at pusa.

Inaampon ni Heart ang mga aso’t pusang nakikita niyang pagala-gala at walang permanenteng nag-aalaga.

Dadalhin niya sa bahay at saka siya maghahanap ng mag-a-adopt o magsisilbing pamilya nito.

Ang latest na hinanapan niya ng pamilya ay ang asong Aspin though wala siyang banggit kung paano niya nakuha ang ipinaaampon na aso.

Nang una niyang i-post ang nasabing puppy ay mara­ming nag-uunahan na ampunin ito. “Just look at her feeling all snuggly in this bed weather!  Looking for good parents to #adopt this little#Aspin.  She needs to stay indoors, have her own bed and get cuddle time. She’s really special and turning out to be the sweetest. Please let me know if you’re her angel parents...,” sabi Heart.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pero may mabilis na follower na nakipag-communicate agad kay Heart.

Kilalang mahilig sa aso ang Kapuso actress na abala sa taping ng My Korean Jagiya na maganda ang ipinakikitang rating.

Samantala, pasok si Heart sa TingTing Cojuangco’s List of The Elegant Filipinas.

“Blessed and grateful to be part of this year’s TingTing’s List: The Elegant Filipinas for the benefit of the Center for Possibilities Foundation for special children. Tonight’s highlight is the sale of art pieces rendered by children with autism - something very close to my heart. Let’s all encourage the artistic potential of kids, especially of these special children.   #theelegantfilipinas2017,” pasasalamat ng aktres.

Sharon Cuneta

Fans nag-aalala, Sharon inilantad ang mga kayamanan sa social media

Nag-aalala ang fans ni Ms. Sharon Cuneta sa kanyang ipinost kahapon sa social media.

Ipinakita kasi ni Ms. Shawie ang kanyang safety vaults na base sa kanyang inilagay na caption ay mga alahas ang laman at mga importanteng dokumento at  memorabilia niya. Fire proof safes umano ang mga ‘yun.

“Now I will post my jewelry... hahahaha! Sorry! They’re in these hidden fire-proof safes along with important documents, love letters (ahem...), old photo negatives, photos, etc., etc.. There is also a 6-ft. tall safe I just ordered from the same company. And my Mommy gave me a 6 or 7-ft. tall safe also years ago,” pagkukuwento niya sa kanyang followers tungkol sa kanyang mga ipinakitang taguan ng mga importanteng papeles.

Itinag niya ang anak na si KC Concepcion na nagtataka kung bakit siya itina-tag ng ina. ““mom why are you tagging me”

Agad namang sumagot ang ina ““I just want! So if i die you know what else i have tange!”

Anyway, bukod sa safety vaults, ipinakita rin ni Ms. Shawie ang collection niya ng mga branded bag na nakalagay sa dehumidifying cabinets na bigay ni KC. “These are just a fraction of my bag collection (wala po akong bisyo kundi books, magazines, and bags). KC @itskcconcepcion my thoughtful panganay once gifted me with one of these fabulous Electronic Dry Cabinets, also known as Dehumidifying Cabinets. Para hindi nagkakamoisture sa loob ng bags at nagdidikit ang leather -- ilang bags ko na ang nasirang ganon and usually mga Chanel pa! You plug them in and they don’t use up much electricity but keep your expensive (investments in) bags in great condition.”

Sabi tuloy ng isang FB follower niya na si ‪Samantha Tenaglia“Hi Ma’am Sharon, love the posts but you might be posting too much information. Baka po kasi mapag-aralan yung safe niyo. Alam niyo naman ang mga kawatan ngayon. Modern na. Stay safe and happy. Love you always.”

Sa panahon nga naman ngayon nakaka-afraid ang mga taong may masamang balak. High tech na sila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: