PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktor hindi feeling star ang ipinalit sa ex na nakipag-compete ang image!

Kung maraming kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa isang dating karelasyon ng isang sikat na male personality ay kabaligtaran naman ang mga istorya kung bakit gustung-gusto ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kasalukuyan niyang girlfriend.

Magkaibang-magkaiba kuno ang dalawang babae, hindi magkatugma ang kanilang ugali, kaya lalong napapamahal ang karelasyon ngayon ng pamosong aktor sa kanyang pamilya maging sa kanyang mga katrabaho.

Kuwento ng aming source, “‘Di ba, ang mga artista, e, may feeling na sila na ang pinakasikat na tao sa mundo? May mga artistang ganu’n. Nakikipag-compete sila kahit sa mismong karelasyon na nila.

“Ang pakiramdam nila, e, mas nakaaangat sila kahit kanino, kahit pa sa mismong mahal na nila, may ganu’ng mentalidad ang maraming artista. Nasa ganu’ng category ang ex ng pamosong male personality.

“Palagi siyang parang nakikipaglaban, nakikipagkumpetensiya siya, palaging ganu’n ang image ng girl na ‘yun sa mga nakakarelasyon niya,” pagpapakilala ng aming source sa dating karelasyon ng sikat na male personality.

Ibang-iba kuno ang kasalukuyang girlfriend ng aktor dahil napakasimple nito, hindi feeling star, walang nararamdaman ang malalapit sa male personality na may labanang nagaganap sa magkarelasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Napakalaki ng difference nila ng ex ng male personality. Nakatapak sa lupa ang current girlfriend niya, walang pagpaparamdam ng competition, maalaga pa siya.

“E, ‘yun ang hinahanap ng guy sa karelasyon niya, ‘yung pareho lang silang down-to-earth, hindi ‘yung para silang nakaharap sa mga camera na best foot forward ang ipinakikita.

“Nagkaproblema ang guy kailan lang, ‘di ba? Aba, mistulang private nurse niya ang girl na may name rin naman, in fairness, ‘di ba?

“Talagang hindi siya pinabayaan, sinamahan siya ng girl sa pinagdadaanan niya, kaya masayang-masaya ang pamilya ng lalaki. Kitang-kita kasi nila kung gaano kamahal ng girl ang manok nila!

“Malayung-malayo siya sa ex ng boyfriend niya na parang palaging nakikipagkumpetisyon, parang kinakawawa siya, parang nababawasan ang kasikatan niya kapag kailangan niyang alagaan ang BF niya.

“Naku, nakakaloka ang ganu’ng relasyon, ha? Sleeping with an enemy ang drama? Kaya ayun, sa wala rin nauwi ang relasyon nila!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Marian mali ang ‘atake’

Akatibo ang mga sundalo ni Marian Rivera sa social media. May matinding panahon ang mga tagasuporta ng aktres para mang-bash ng mga personalidad na sa akala nila’y kumakawawa sa kanilang idolo.

Kahit sino na lang ay kinukuyog nila, todo ang pagtatanggol ng grupo sa mahal nilang si Yan Yan, pinaliliit nila ang mundo ng iniidolo nila.

Sino ba naman kasi ang maniniwala na may kumakawawa kay Marian? Sa kamalditahang ‘yun ng aktres, may kumakasa ba sa kanyang mga sinasabi at ginagawa, lalo na sa mga artistang nakakasama ng mister niya sa mga proyekto?

Feeling kasi ni Marian ay palaging may mang-aagaw sa kanya kay Dingdong Dantes, pakiramdam niya ay palagi siyang aahasin ng mga kapwa niya personalidad, kahit wala namang gusto sa mister niya ang mga ito.

Pahayag ni prop, ang kaibigan naming palaging nakatanaw lang sa mga nagaganap sa showbiz, “Maling-mali ang atake ni Marian, e. Instead na talak-talakan niya ang mga babaeng nakakapareha ng husband niya, dapat, e, kabaligtaran ang ginagawa niya.

“Like si Andrea Torres na kinompronta niya at tinakut-takot pa. Dapat, e, kinakaibigan niya ang mga leading ladies ng mister niya! Hindi ganyan na kahit wala namang intensiyong hindi maganda ang tao, e, basta na lang niya iko-confront!

“Maling atake ‘yun. Kitang-kita ang insecurity niya, takot na takot siyang may ibang pagbigyan ng attention si Dingdong. Wala na siyang tiwala sa sarili niya, e, walang-wala pa siyang tiwala sa asawa niya!” madiing pahayag ni prop.

Tumpak!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: