PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bong Revilla nabiktima na naman ng ‘atake sa puso’

Biktima na naman ng fake news si Bong Revilla, Jr. noong Martes habang binabaha ang Southern Luzon at ang Metro Manila dahil kay Typhoon Maring.

May mga tao na talagang happiness na ang magkalat ng fake news kahit dumaranas ng kalamidad ang ating bansa.

“Pinatay” na noon si Bong sa social media at naulit ito noong Martes dahil kumalat ang tsismis na natsugi sa loob ng PNP Custodial Center ng Camp Crame nang magkaroon siya ng heart attack.

Alive na alive po si Bong as in maayos na maayos ang kalagayan niya.

Kahit fake ang balita, naglabas si Bong ng official statement dahil nag-alala nang husto ang lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

“Sa mga taong ako po ay patuloy na “pinapatay” na, patawarin kayo ng Diyos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Muli sa araw na ito ay “pinatay” na naman ako sa atake sa puso ng mga walang magawang mga tao kundi ang magdulot ng sama ng loob at magkalat ng kasinungalingan.

“Kung sabagay ay may kasabihan na kapag ang isang tao raw napabalitang patay na, ngunit buhay na buhay naman ay lalo lamang lumalawig ang kanyang buhay.

“Sa ganitong aspeto ay nagpapasalamat pa ako sa may-akda ng balitang ito (na isang malaking kasinungalingan).

“Ngunit pinapatawad na kita, kayo, kung sino man na may kagagawan nito. At nawa’y bigyan kayo ng tunay na kasiyahan sa inyong buhay ng Panginoon Diyos, dahil mukhang salat na salat kayo nito, kung kaya’t tila katuwaan na at kaligayahan nyo na ang magdulot ng sama ng loob sa ibang tao?

“Sa mga patuloy na nagmamahal sa akin, BUHAY NA BUHAY po ako. At patuloy ko rin kayong minamahal. Nakikiramay ako sa mga nasalanta ng bagyo dito sa atin at sa Florida, USA. Nawa’y tumigil na ang ulan at umalis na ang bagyo. God bless us all in these trying times. Amen,” ang mensahe na ipinarating ni Bong sa lahat ng mga nagmamalasakit sa kanya.

Tatlong taon nang nakakulong si Bong sa PNP Custodial Center at kahit nananahimik, hindi siya tinatantanan ng mga intriga. May mga tao na katulad ni Bong na talagang lapitin ng mga kontrobersya.

Birth month ni Bong ang September at for now, isa lang ang birthday wish ko para sa kanya, payagan sana siya na makapagpiyansa at magkaroon ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso na hindi naman niya tatalikuran at tatakbuhan.

Director ng The Debutantes hindi raw marunong magalit

Sa October 4 na pala ang showing sa mga sinehan ng The Debutantes, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. na tinatampukan ng mga newcomer na sina Sue Ramirez, Chanel Morales, Jane De Leon, Michelle Vito, at Miles Ocampo.

Itinanggi ng direktor na si Prime Cruz na mala-Carrie ang kuwento ng The Debutantes dahil ibang-iba raw ang plot ng pelikula niya.

Bagets na direktor si Prime kaya magkasundung-magkasundo sila ng equally bagets cast ng The Debutantes.

Hindi marunong magalit ang kanilang direktor ang sey ng cast ng coming soon movie ng film outfit ni Mother Lily Monteverde.

Sa totoo lang, hindi na uso ngayon ang mga direktor na naninigaw dahil mas madali na natatapos ang mga trabaho kung walang tensyon at nag-iinarte sa set ng mga pelikula at teleserye.

Hoping si Mother na gaya ng Woke Up Like This, kikita rin ng P60 million ang The Debutantes sa unang linggo ng pagtatanghal nito sa mga sinehan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: