PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ellen ginawang ‘aso’ si John Lloyd

John Lloyd at Ellen

Ay grabe, pati raw pala si Jenine Desiderio ay naging girlfriend noon ni John Lloyd Cruz.

Oh yeah ayon ‘yan sa isang source. Si Ms. Jenine ang nanay ng young actress na si Janella Salvador.

Pero medyo throwback na raw ito ha though hindi raw gaanong nagtagal ang pagmamahalan ng dalawa.

Kilalang pumapatol si John Lloyd sa medyo may edad sa kanya kaya kapani-paniwala ang narinig kong kuwento.

Hindi pa naman katandaan si Jenine. Malamang hindi nagkakalayo ang edad nila ni Ruffa Gutierrez na naging ex din ng Kapamilya actor.

Pero we doubt kung may aamin sa kanilang dalawa tungkol sa nakaraan nilang relasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Super hot si John Lloyd ngayon dahil nga sa mga ginawa nila ni Ellen Adarna nang magbakasyon sa Cebu kung saan nag-viral ang mga unpleasant moments nila ng sexy star na ini-upload ng mga kaibigan ng sexy star.

Pero looks like hindi naman sila affected dahil kahapon ay may ini-upload na namang video si Ellen na kuha sa isang hotel. Tinatanong niya ang hotel guard sa dala nitong aso kung ano ang pangalan. John Lloyd ang sagot ng guard habang katabi ni John Lloyd ang sniffer dog na isa sa mga nagbabantay sa hotel. Mukhang wala na ngang makakapigil sa relasyon nila kahit wala silang inaamin at kahit na nga sinasabing nakakasira ng image ni John Lloyd si Ellen.

Maging si John Lloyd ay inilantad din sa kanyang IG account ang pictures ni Ellen. Obvious na nanood sila ng sine, nag-shopping at nag-dinner sa isang high end mall sa Mandaluyong.

Meaning, lantaran na ang “relasyon” nila kahit na nga maraming kontrata dahil nga may mga batang market si John Lloyd habang si Ellen ay walang paki sa kanyang imahe.

Jenine at Janella

Janella hindi na kinakaya ang galit ng ina?!

Speaking of Jenine, umano’y tuloy ang galit nito sa anak na si Janella Salvador.

Ayon pa sa source, hindi ito pabor sa lovelife ng anak. Pero hindi umano si Elmo Magalona ang inaayawan nito kundi ang ibang nali-link sa anak na bida sa pelikula ng Regal Films na My Fairy Tail Love Story.

Yup, meron daw ibang nali-link kay Janella na nabuko ng ina.

Maaalalang kamakailan ay nag-emote sa social media ang dating singer sa katigasan daw ng ulo  ng kanyang anak.

Dumating na umano sa puntong ayaw nang umuwi ni Janella sa bahay niya at natsismis pang nagsasarili na ito.

Pero walang kinumpirma si Janella during the presscon of MFTLS.

Giant network naghihigpit sa mga gastusin?!

Grabe ang paghihigpit ng isang network sa kasalukuyan.

Marami na raw itong tinanggal na mga empleyado dahil nahuli na hindi nagtatrabaho ng tama kasama na ang ibang cameraman.

Very tight din daw ang budget ng network sa mga show nila. Halimbawa, kung dati P5 million ang budget nila sa isang concert ng isa pa nilang network, ngayon daw ay P2 million na lang.

Binawasan din daw ng network ang bonus ng mga empleyado.

Bagama’t kumikita raw ang network pero mahigpit umano ang bagong presidente nito ngayon at binabantayang maigi ang mga gastusin ng kanilang kumpanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: