^

PSN Showbiz

Kasal ni Anne sa Paris din?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasal ni Anne sa Paris din?!

Anne

MANILA, Philippines — Sa Paris, France rin daw ang kasal nina Anne Curtis and Erwan Heussaff. Pero simple lang ito at hindi magarbo ayon sa isang source. Level lang daw ito ng kasal nina Solenn Heussaff (kapatid ni Erwan) at husband niya na ginanap naman sa Combourg, France. 

Konti lang din daw ang mga bisita na pawang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng ikakasal. Kaya hindi raw itong puwedeng ikumpara sa Belo-Kho wedding na itinuturing ngang wedding of the century. 

Hindi inaamin nina Anne kung kailan at saan ang kasalan nila pero may ilan nang nakakaalam. 

Naku paliligayahin na naman nila ang mga kababayan natin na nagtatrabaho roon na kaligayahan na ang makita ang mga artistang iniidolo nila.

Eh nun ngang Belo-Kho wedding kahit umuulan dumagsa talaga ang Pinoy fans na kumakayod sa nasabing bansa para lang makakita at maka-selfie ang mga artistang dumagsa sa Paris. 

Marian

Marian matagal pinangarap maging teacher 

Mapapanood na muli sa GMA Telebabad ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa pinakabagong aabangang fantasy-action series na Super Ma’am. Kaya naman sumabak agad si Marian sa taping pagkagaling ng France. 

Ayon kay Marian, matagal na niyang pangarap ang maging isang teacher kaya todo ang excitement niya para sa project na ito. “Ang Super Ma’am ay kuwento ng isang guro na ayaw mag-give up sa pagtuturo dahil love at passion niya talaga ang pagiging teacher. May mangyayari sa kanyang isang malaking pagbabago na magli-lead sa kanya para tumulong sa kapwa niya. Kaya nga dream come true itong role ko kahit sa palabas lang,” saad niya.

Bukod dito, masaya rin si Marian na maging superhero ulit at dedicated ang series na ‘to para sa fans niyang naghintay para mapanood siyang muli. “Maraming nagre-request na maging super hero ulit ako, so para sa kanila talaga itong Super Ma’am.” 

Hindi na rin siya makapaghintay i-reveal ang costume at weapon na gagamitin niya dahil sure na matutuwa ang viewers dito.

Gagampanan ni Marian si Minerva Henerala, isang high school teacher na madalas asarin at pagtripan ng mga estudyante niya dahil sa pagka-weird nito. Lumaki siyang naniniwala sa mga Tamawo o mythical creatures na  may kakayahang mag-anyong tao.

Sa umaga ay isa siyang good teacher sa mga pasaway niyang estudyante. Ngunit dahil sa isang encounter sa mga Tamawo, nagbago ang buhay niya at nagta-transform siya into a femme fatale heroine o Super Ma’am na may fantastic adventures sa pagpuksa ng mga masasamang elemento sa mundo.

Itinatampok din sa serye sina Al Tantay, Jackie Lou Blanco, Jerald Napoles, Kim Domingo, Meg Imperial, Matthias Rhoads, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Kevin Santos, Shyr Valdez, Ashley Ortega, Jillian Ward, Enrico Cuenca, Julius Miguel, Andrew Gan at sa kanyang grand comeback sa GMA, ang seasoned actress na si Ms. Helen Gamboa.

Mapapanood din ang nagbabalik Kapuso na si Ms. Carmina Villarroel bilang guest sa series at may special participation rin ni Ms. Dina Bonnevie.

Makakasama rin and playing a very special role in the series ang Philippine Comedy Queen na si Ms. AiAi Delas Alas.

Mula sa mahusay na direksyon ni LA Madridejos, abangan ang Super Ma’am ngayong September 18 sa GMA Telebabad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with